Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sugarcane - Dalangin Lyrics

Lahat ng hapdi’y nakalimutan,
Pinawi maging ang kalungkutan.
Makapigil hininga na kagandahan,
Uunahin ka maging kahit kanino man.

Bukang-liwayway sa kalupaan,
Tila abot kamay na ang kalangitan.
Tunay ngang wala kang kapintasan.
Kung ako’y hahayaan, hindi ka na bibitawan.

Oh kay tagal kang hinintay.
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay.

Dalangin,
Oh aking dalangin,
Ang oras ay humihinto,
Sa tuwing tayo'y magkakatagpo.

Yakapin,
Hayaang yakapin.
Sa oras na ika’y bigo,
Sa'yo'y hinding hindi susuko.

Hiwaga na hindi namamaalam,
Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan.
Maaari bang sa piling ko'y manahan?
Natatanging kayamanang matuturing na tahanan.

Oh kay tagal kang hinintay.
Napagod kong puso'y sa'yo na mahihimlay.

Dalangin,
Oh aking dalangin,
Ang oras ay humihinto,
Sa tuwing tayo'y magkakatagpo.

Yakapin,
Hayaang yakapin.
Sa oras na ika’y bigo,
Sa'yo'y hinding hindi susuko.
Hinding hindi susuko.

Sugarcane - Dalangin (Official Lyric Video & Chords)


Written by: Froilan Baustista
Composed by: Froilan Bautista, Carl Guerzon, & Cedric Angeles
Arranged, Produced, Mixed & Mastered: Cedric Angeles
Performed by: SUGARCANE
Art by: Felix Gasmen

Tim Pavino - Dalangin Lyrics

Di ko lubusang maisip
Bakit sa yo nahuhumaling
Pano ba to pigilin

At hiling.. Hinihiling ko sa langit
Sana’y mapasa-akin
Kung nababatid mo rin
Wag na sana pang patagalin dahil

Ang panalangin ko
Ang ibigin mo
Sa yo ilalaan
Itong puso ko
Dahil dalangin ko
Ang ibigin mo
Walang ibang nilalaman
Ang damdamin
Yan ang dalangin ko ooohhh

Sa saglit na sumusulyap sa kin
Ano bang ibig sabihin
Para ngang batid mo rin dahil

Ang panalangin ko
Ang ibigin mo
Sa yo ilalaan
Itong puso ko
Dahil dalangin ko
Ang ibigin mo
Walang ibang nilalaman
Ang damdamin
Yan ang dalangin ko ooohhh

Masasabi pa ba ng mga labi
O makikiramadam na lamang ba palagi
Maaari na bang ito ay totohanin
Di ko na kayang biruin ang damdamin

Tim Pavino - Dalangin (Music Video)


Watch the Official Music Video of "Dalangin" by Tim Pavino.

Music and Lyrics: Kiko Salazar
Music Arrangement: Kiko Salazar
Vocal Arrangement: Kiko Salazar
Mixed and Mastered: Boggie Manipon
Recorded at bellhaus Recording Studio

Music Video Production: ECSFILMS
Directed By: Edrex Clyde Sanchez
Prod Head: Francisco Garcia
Assistant Director: Gab Campillanes
DOP: Clifford Sangcopan
Camera Op: Ar Ar Febrero, Edward Amante
Editor / Colorist: Edrex Clyde Sanchez
Special thanks to Feiyutech Philippines.

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Patch Quiwa - Dalangin Lyrics

Hindi ko alam kung bakit naguguluhan pa rin
Di lang siguro makapaniwalang masaya na ko ngayon
Nasanay akong puro pinapakinggan masasakit na awitin
Pamilyar kasi sa akin ang pakiramdam

Ngayon handa na kong tanggapin
Masaya ako, kaya iaawit ko

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin
Di naman pala ganon kasama ang mundo
Dahil meron itong ikaw

Titigilan ko nang paghanap ng sakit sa maliliit na bagay
Tinuruan mo akong maniwalang karapat-dapat akong maging masaya
Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin
Di naman pala ganon kasama ang mundo
Dahil meron itong ikaw
Ikaw, ikaw

Ikaw ang sumagip sa akin
Nagawang languyin ang lakas ng alon ng isip
Di ka nagpahagip
Sa tinagal-tagal nauso, masasakit na kanta
Paminsan-minsan awitin natin
Ligayang pinagkaloob sa atin
Ikaw ang sayang pinagkaloob sakin

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon kaya ko nang isipin
Di naman pala ganon kasama ang mundo
Dahil meron itong…
Dahil meron itong…
Dahil meron itong…

Ikaw

Patch Quiwa - Dalangin (Original Song)


Patch Quiwa - Dalangin (Original Song)