Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ALLMO$T x Rob Deniel - Miracle Nights and Ulap Mashup Lyrics

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ako nang bahala baby wag ka ng mag-alala
Isipin natin na parang tayo lang dalawa
Wag mong tignan kung ano man maging tingin nila
Tayo din naman ang magsasama diba kumbaga
Wala na tong biro ikaw ang herong
Sumalo sa kada pagbaba ng negatibo
Naging dahilan na matakpan mo ang mali ko
Di ko papalampasin ang sandali na ikaw lamang ay nandito sakin
Talagang lumilitaw ang yong ganda pag natapatan ng ilaw ay mas lalong nakakadala
Kumapit ka saking kamay di kita ibababa
Sumakay tayo papunta sa balewala kung ano man ang ginagawa
Simple pero napakahirap na mahanap
Swerte na kapag nalapat ka sa pinapangarap
Sulitin natin ng di na mawala pa ng maaga
Kung isang gabi lang din naman to pwedeng maganap

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Hayaan mo na sulitin natin ang
Mga sandali sa mga oras na hiram
Mahalaga satin ang bawat pagsasama
Hindi na kailangan pa ng may ibang makaalam
Gusto ko yung tipong laging may asaran
Puro tawanan at hindi mo na kailangan
Ikaw lang ang pipiliin ko na makasama
Hanggang sa likod ng mundo na makasalanan
Wag sanang magmadali parehas lang natin na ayaw na magkamali
Pahintulutan mo naman ako na ikaw ay makatabi
Di na kailangan magmahalan di ko yun pagsasabi
Yo wala na kong hiling pa
Kundi pagsaluhan ang gabi na tumingin pa
Tayo lamang dalawa sakin tumingin ka
Dito ka lang saking tabi ayokong umalis ka oh

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Ang yong mukha sa sa ngiti mo
Ay naaalis lahat ng pagod ko
Ikaw ang nagsisilbing sandalan ko pag ako’y nahihirapan
Kaya di na ko bibitaw kasi ikaw lang ang kailangan
Pinupuno mo na ng kulay ang mundo kong madilim
Hindi ko na sasayangin ang pag-ibig mo di ako maglilihim
Kasi pinatunayan mo sa akin na may pag-ibig
Kaya wag kang magtataka kung bakit mahigpit ang hawak ko

Basta’t sa akin ka sumama na
Di na ko maghahanap pa ng iba
Gabi gabi tayong magsasaya
Sayang kasi pag nawala ka pa

Isasayaw ka sa ulap
Mag-uusap, hindi manghuhula

Wag mo ng pansinin ang mga tumitingin
Sa ating dalawa, ating dalawa

Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
Basta’t sa akin ka sumama na
Isasayaw ka sa ulap
At tayo ay mag-uusap
‘Di na maghahanap pa ng iba

Sarah Geronimo - Basta't Kapiling Ka, Masaya ang Pasko Lyrics

Ang indak ng mga bumbilya
Ngayong tao'y mag-iiba
Nakasanayang gawi 'di magiging madali
Pagsapit ng araw nating pinakamimithi
Ngunit 'di dapat mangamba
Wala sa 'ting nag-iisa
'Di mananahimik ating pag-ibig
Tayo ay magsisi-awit ng magagandang himig

Kay raming pagbabago
Sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago
Ang pinakamagandang regalo
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo
Mas lalong sasaya ang puso
Hoo hoo hoo hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!

Iba man ang ating pagbati
Pag-ibig pa rin ang siyang maghahari
Naiba man ang takbo ng ating kwento
'Di matitinag diwa ng Pasko

Kay raming pagbabago
Sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago
Ang pinakamagandang regalo
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo
Mas lalong sasaya ang puso
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!

Kahit may pinagdaraanan
O agwat na namamagitan
Para sa isa't isa'y laging nandiyan

Kay raming pagbabago
Sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago
Ang pinakamagandang regalo
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo
Mas lalong sasaya ang puso
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!
Hoo-hoo-hoo-hoo
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko!

Al James and Lola Amour - Sundan Mo Ko Lyrics

Gusto mo bang sumama
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede na

Eto nanaman tayo, sumama ka nga
Pero hanap mo’y pahinga nakatitig sa malayo
Nakatayo pero gustong nang humiga (tanong lang)

Bakit ba tuwing ako’y papalapit sayo
Parang di rin naman naandito ang isipan mo
I said hey wag magpapatalo may bukas naman tayo tigilan mo nga kaya yang pagreklamo

Halika paikutin na nga natin ang roleta
Kahit saan na matapat tara na rekta
Saka mo na habulin mga petsa, mga problema
Maiwanan muna ikandado mo sa selda

Tara makipag aliwan ey
Makisali makipagkulitan
Makisama makipagbaliwan
Makipag hulihan
Kung meron ka napusuan makipaghabulan

Kasi buhay parang utang araw araw hulugan
Walang karera di mo kelangan makipagunahan
Kahit planuhin mong mabuti
Papalpak ka rin naman
Kung susubukan dun lang
Malalaman ang kahulugan

Kaya sige sumayaw ka sige sumagad
Sige tumalon ka hangang sa makalipad
Hangang maabot mga tala
Dun sa kalawakan na parang mga dyamante
Na makislap

Kaya sige sumayaw ka sige sumagad
Sige tumalon ka hangang sa makalipad
Hangang maabot ang tama
Di mo na nga maalala
Kung papano ka uli nakalapag lapag

Gusto mo bang sumama
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede na

Kaya sundan mo lang ako
Di tayo lalayo
Wag mo isipin ang paligid mo
Dahil sayo na ang mundo
Lang iistorbo sa iyo
Kaya bahala na kung magulo

Gusto mo bang sumama
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita o pwede na

Kaya sundan mo lang ako
Di tayo lalayo
Wag mo isipin ang paligid mo
Dahil sayo na ang mundo
Lang iistorbo sa iyo
Kaya bahala na kung magulo

Inigo Pascual x Ron Henley - Bata, Kaya Mo! Lyrics

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Pinagmamasdan ang iyong ginagawa
Nagaantay sa iyong pagkadapa
Takbo takbo huwag hihinto
Masyado ng malayo di na kaya pang sumuko
Sa daanan may kalaban kaliwa man
O sa kanan
Wag, wag lang paghihinaan
Tibayan puso’t isip mo
Isipin mo ang mga pangarap mo

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Malapit ka na nga bang mapisat
Di mo ba kaya ang bigat, bakit di mo iiyak
Baka sakali lang pakiramdam makalipad
Nandito parin ako, katulong mong maglipat
Wag mong buhatin yan lahat
Mababalian ka dyan
Kung nalulunod ka ngayon
Sana sa pagmamahal
Kung hindi, panandalian lang yan
Tara tawanan tayo magdamag
Hanggang sa maghapdian ang tiyan
Pagkagat ng dilim
Lasa ng liwanag mas lumilinamnam
Talasan ang pakiramdam
Kung wala kang sagwan
Languyin mo lang
Mararating mo rin ang pampang

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Huminahon wag ng kabahan pa
Pag merong humamon pabayaan lang sya
Huwag ka lang papayag na sinasaktan ka

Basta, pag may ginawa eh di lumaban ka

Huminahon wag ng kabahan pa
Pag merong humamon pabayaan lang sya
Huwag ka lang papayag na sinasaktan ka
Basta, pag may ginawa eh di lumaban ka
Ohh..ohh (4x)
Ohh..ohh (4x)

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Inigo Pascual x Ron Henley - Bata, Kaya Mo! (Official Lyric Video)


Sing along to Inigo Pascual and Ron Henley's COKE STUDIO original collab song!

Coke Studio Philippines

Coke Studio Homecoming: This is Our Christmas (Official Music Video)


Coke Studio Homecoming: This is Our Christmas (Official Music Video)

Coke Studio Philippines