Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Cleezy x Jepsy - Bingi Lyrics

Tirik na naman ang araw alaws plano
Kaligayahang mababaw sadyang malabo
Gusto ko non ang kaso nga lang magiging ganto
Ganto ba talaga para sayo makipaglaro ang mundo

Bat ka pa magdadalawang isip lalo kang manggigigil
Kilala kita wag mo ng ipilit hindi ka sanay sa tahimik
Matitiis mo ba ang walang katumbas na pakiramdam
Dahil ang nais mong pakisamahan ang taong sayo’y walang pakialam

Dinig mo ba pikit mata binubulungan ka na naman nila
Nag-aapura pilit ka na gusto ka lang na mapariwara
Ligaw na ligaw alam ko naman sa puso mo gusto mo lang isigaw
Ikaw at ikaw din naman ang magpapasya kung gusto mo ng bumitaw

Kanino ka makikinig
Pag may kusa ko lang sayo ang bumilib
At pag merong piligro ako lang ang merong imik
Nagpalakas ng iyong loob ng walang kapalit

Di k aba natututo sa punto na puro lang naman peligro
Wala namang inabot sayo maski na singko
Dahan dahan lang wag kang masyadong apurado
Alam mo naman tiyak sa huli ikaw lang madedehado

Diba’t sa itaas ay matagal ka naring nananampalataya
Bakit ang dinadanas mo’y mala-impiyerno ba’t pahirapan kang lumaya
Pag-isipan mo na dalawang beses ang aking udyok
Ang ‘yong pasan-pasang mala-bundok ora mismo ay magkakatuldok

Pano bano yang gusto mo ano ba to talo talo
Di ko gusto kahit ano dahil lang to la sa husto
Wag ka na lang maniwala sa mga sabi sabi ng mga mapansala
Kilala mo naman sarili mo wag ka sa kanila umasa

Saklolo tulong tulong kailangan ko ng gabay
Ayokong malulong sino saking magpapantay
Kabilaan sa tenga ng boses at gera bumubulong ng pasigaw
Kadena saking nakagapos na syang pumipigil saking paglitaw