Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Chrstn - Di Na Ako Lyrics

Hating gabi at, tila gising na gising ang buwan
Ang puso ko’y ‘di matagpuan
Lumalamig ang simoy ng hangin walang kahagkan
‘Ni pag-ibig mo’y ‘di maramdaman

Oh mahirap ba na ako ay mahalin
Sawa na ba sa’king lambing
Ibon sa paligid ay hindi na umaawit
Ang mga paru-paro ay ‘di na lumalapit
Hindi natin ma-ipipilit ang hindi naman itinakda
Kahit ikaw ang laman ng aking panalangin
‘Di pa ba sapat upang ako lang ang ibigin mo

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Akala ko, oh ‘kala ko lang pala na ako

May pag-asa pa kaya na bumalik ka at sabihin mo na
Subukang muli ang na sayang huwag nang manghinayang


Paano ba dapat kitang mahalin
Kulang pa ba aking lambing
Ibon kung posible tuturuan kong umawit
Tipong pati ang paru-paro ay maaakit
Maaari ba nating ibahin
Ang takbo ng tadhana
Patuloy kumakapit, alam ko ngunit pinipilit ko

Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Akala ko, oh ‘kala ko lang pala na ako

La, la, lala la lala la la
Oh, oh, oh
La, la, lala la lala la la
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh

Oh, oh, oh
Akala ko, oh ‘kala ko lang pala na ako
(Di na ako, di na ako)
Akala ko, oh ‘kala ko lang pala na ako
(Ibon sa paligid ay muli pa bang aawit)
(Ang mga paro-paro muli pa bang lalapit)
(Kailan liliwanag ang mga ulap sa langit)
Akala ko, akala ko, oh ‘kala ko
Akala ko, akala ko lang pala na ako
Oh, oh, oh

Chrstn - Di Na Ako (Official Audio)


The official audio of "Di Na Ako" by Chrstn

Artist: Chrstn
Composer: Christine Taguibao
Publisher: OC Music Publishing, Inc.
Producer: Kean Cipriano
Arranger[s]: Kean Cipriano and Chrstn
Mixing and Mastering Engr: Carlo Jay Cruz
Production House: O/C Studio
Graphic Artist: Albert Raqueno

Chrstn - Paano Ba? (Umibig) Lyrics

Ang oras, di namalayang nag-iba
Kumukupas, larawan nating dalawa
At ang bukas, na kasama ka’y hindi na maipapangako pa
Lilipas, o lilipas lang ba talaga

Karapat-dapat ba ako para sayo
Kaya ko bang maging ang gusto mo
Paano bang umibig
At kung mananalangin ba ako kay bathala sinta
Mananatili ka?
Tunay ba ang pag-ibig

Hindi mo masisisi ang panahon
Kung naubusan tayo ng pagkakataon
Paano bang umibig
Paano bang umibig


Heto na, tuluyan nang magsasara
Ang pusong, sinanay mo na nandyan ka
Sigurado ka na ba alam mo naman na
Di ko hahayaan na mawala ka lang bigla
Oh may magagawa pa ba sinta

Ang mga damdamin, nating dalawa’y hihintaying
Humilom mag-isa
Nangangambang umibig
At kung pag bibigyan muli
Na mag mahal ang puso ko’y pipiliin parin kita
Sa’yo lamang iibig

Ako’y babalik sa’yo paikot-ikutin man ang mundo ko
Tanging sa’yo babalik ito
‘Di makaka-ibig nang totoo kung hindi sa’yo
Oh paano bang umibig
Paano ba umibig

Chrstn - Paano Ba? (Umibig) | Official Audio


The official audio of "Paano Ba? (Umibig)" by Chrstn

Song Credits:
Artist: Chrstn
Composer: Christine Kate Taguibao
Publisher: O/C Records
Producer[s]: Kean Cipriano
Arranger[s]: Kean Cipriano, Chrstn
Mixing and Mastering Engr: Hazel Pascua
Production House: HBE Recording Studio, Studio 737
Graphic Artist: Albert Raqueno

Adie ft. Chrstn - Tinatangi Lyrics

Balewala, balakid na nagtatangka
Sa ating biyahe patungo sa walang hanggan
Tayong dalawa ay maligayang nakahimlay
Sa daang pa-walang hanggan

Haplos ng 'yong halik
Init ng 'yong pag-ibig
Ang dahilan ng palaging pananabik
Oh

Tinatangi, tinatangi ko
Ikaw lamang mahal
Tinatangi, hindi na maliligaw
'Pagkat ikaw lang ang tanaw sa araw-araw
Aw

Dala-dala mga paruparo
Iyong pinadama sa bawat paghagkan
Kung 'di ikaw ang makakapiling ko
O giliw para saan pa ang walang hanggan

Haplos ng 'yong halik
Init ng 'yong pag-ibig
Ang dahilan ng palaging pananabik
Oh


Tinatangi, tinatangi ko
Ikaw lamang mahal
Tinatangi, hindi na maliligaw
'Pagkat ikaw lang ang tanaw sa araw-araw

(Tinatangi, tina-tinatangi)
(Tinatangi, tina-tinatangi)
(Tinatangi, tina-tinatangi)
(Tinatangi, tina-tinatangi)
(Tinatangi, tina-tinatangi)
(Tinatangi, tina-tinatangi)

Alam ko sa sarili na ikaw lamang
Hinding-hindi itatanggi oh

Tinatangi, tinatangi ko
Ikaw lamang
Tinatangi, hindi na maliligaw
'Pagkat ikaw lang ang tanaw sa araw-araw (araw-araw)
Oh ikaw, ikaw, ikaw, ikaw

Adie ft. Chrstn - Tinatangi (Official Audio)


The official audio of Tinatangi by Adie feat. Chrstn
Title: Tinatangi
Artists: Adie feat. Chrstn
Composed by Adrian Garcia, Christine Kate Taguibao
Published by Coca-Cola Philippines, Inc.
Administered by OC Music Publishing, Inc.
Executive Producer: Coca-Cola Philippines, Inc.
Line Producer: UXS, Inc. (Unitel/StraightShooters)
Arranged by Franz Sacro
Mixed and Mastered by Hazel Pascua
Recording Engineer: Emil Dela Rosa (Wonder Collab Studios)