‘Di ko na ba maibabalik
Ang mga oras na ikaw ang katabi
Sa simbahan tayong dalawa
Pwede bang bumalik sa umpisa
Mga pangakong iyong binura
Hindi pa rin naglaho sa ’king alaala
Kung iiwanan mo lang rin ako
Ayoko ng bumalik sa buwan ng Mayo
Ayoko ng bumalik, ayoko ng bumalik
‘Wag ka ng bumalik
Kasi ayoko ng bumalik
Kung iiwanan mo lang akong muli
Ayoko ng bumalik, kahit isang saglit
Nung magkahawak ang ating kamay
Ako’y natakot baka ako’y masanay
Naghihintay na lumubog ang haring araw
Ngayong gabi ako na lang sumasayaw
Hihintayin na lang kaya kita
Hanggang tayo’y tumanda
Kung iiwanan mo lang rin ako
Ayoko ng bumalik sa buwan ng Mayo
Ayoko ng bumalik, ayoko ng bumalik
‘Wag ka ng bumalik
Kasi ayoko ng bumalik
At muli tayong sasayaw
Sa ilalim ng buwan ng Mayo
At dahan-dahan na rin tayong hihinto
Nung binitawan mo na ako
Ayoko ng bumalik, ayoko ng bumalik
‘Wag ka ng bumalik
Kasi ayoko na
Ayoko ng bumalik, ayoko ng bumalik
Ayoko ng bumalik
Kasi hindi ka na babalik
Iiwanan mo lang akong muli
Ayoko ng bumalik
Kahit isang saglit