Buhay ay nagmula sa Maykapal
Kaya lagi nating iingatan
At kung may kasawian
Mayron ding ligaya sa buhay
Buhay nagpatibok sating puso
Puso ang nagturo ng pagsuyo
Pag-ibig mayrong tamis ng pangako
Na kailanman di magbabago
Buhay mo’t buhay ko’y isa lamang
Tayo’y magmahalan kailanpaman
Pag-ibig na tapat ang kailangan
Upang ang buhay ay hindi masayang
Upang ang buhay ay hindi masayang