Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Banda ni Kleggy ft. BenteDos - Bathala Lyrics

Madilim na paligid
Nangangapa sa gilid ng bangin
Hindi alam kung ‘san pupulutin
At kung anong mangyayari sa’kin

Kahapon ako’y napagod
Sa mga bagay na gumugulo
Sa aking panaginip
Biglang may tumawag sa’kin

Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan

Malubak na kalsada
Ako lang ba ang dumadaan?
Wala daw patutunguhan
Kung ako ay lilihis ng daan

Ako ay biglang nagising
Sa aking panaginip
Nakausap mo ba si bathala
Sabi n’ya s’ya ang bahala

Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan

Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon
Ayaw ko muna bumangon baka mas lalong umalon
Mag-iisip lang maghapon kung pa’no ko itatapon
Mga pasakit kahapon pa’no ko ba maaahon?
Malapit na ang panahon, panahon ng paghuhukom
Nag-iiba na nga ngayon wala pa rin bang direksyon?
Ikaw ang aking koneksyon bahala ka panginoon
Tapos na ang bagong taon, magbabago na rin ngayon
Ilang taon na nagkulong maaga akong nalulong
Sa tenga ko may bumulong agad ako na nagtanong
Bakit ako umalulong hinihingal ng paurong
Dahil sayo panginoon patuloy lang hanggang ngayon
At masasabi sa sarili magtiwala lang palagi
Titibayan ang haligi para di nila madali
Talangka na nagsasabi na malabo’t imposible
Patuloy na aatake ay bathala ko parati

Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan

Mga sinulat kong paksa pahaging lang ng bahagya
Huwag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula
Sa aklat ay nakatala mula ‘nong unang simula
Kung ikaw ay nakatakda baunin mo ‘yon pagtanda
Ika nga ng matatanda gumalang ka na may akda
Sikapin mong maging handa sa panahong walang wala
Durugin kang dapang dapa sa langit ka tumingala
Pigilin mo na magwala, wala ka d’yang mapapala

--“Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala
H’wag daw mag-alinlangan
S’ya daw ang kailangan”--

Palagi ka lang huminga laliman mo sabay buga
Alalahanin ang lahat kung pa’no ka nagsimula
Baunin mo laging dala mga pinapayo nila
At huwag ka na mag-alala parating na ang padala
Na-traffic lang ng bahagya ‘yong hiniling mo sa ama
At huwag ka sanang sumama ang loob mo sa kanila
Kusa din ‘yang mawawala manalangin ka sa kanya
Alalahanin ang buhay kung ga’no ka kahalaga

Kausap ko si bathala
Sabi n’ya, s’ya ang bahala

Banda ni Kleggy ft. BenteDos - Bathala (Official Lyric Video)


“Bathala” is about faith in a higher being, faith that He will help you get through the worst and uncertain times of your life. When things are beyond your control, when you have no place and no one else to turn to. This song tells you to believe that He will be there for you. The song hopes to inspire and raise your lowly spirits, and it couldn’t have come at a better timing when most of us are facing a very difficult time.

SoupstarTV

Imago ft. BenteDos - Partida (Official Music Video)


Imago feat. BenteDos - Partida (Official Music Video)

Universal Records PH

Imago ft. BenteDos - Partida Lyrics

Bigo ang loob mo pero di sumuko
Sa suwerte, pulubi sa puso, palasyo

Kung ako ang iyong hari kahit na ang bahag hari
Sikretong babahagi mga ulap ihahawi
Nais kuring mawari sa puso mamalagi
Makita kang palagi lungkot ko ay napapawi
Matamis na iyong labi sa isip ko sumasagi
Heraya na manawari sana ay ganto palagi
Tila yata ay nayari sa suwerte akoy pulubi
Dina nga magpapalugi pwede ba kitang ari na

Tayo nang dalawa
Kahit na partida
Parang lumang sine
Na ikaw ang bida
Hanggang dun sa dulo
Ng pasong diablo
Hinga ng malalim
Pumikit ka lang at tumalon
Haaaa talon
Hoooh talon
Haaaa talon

Kahit gaano kataas ay tatalunin

Sakaling ang mundo bukas ay gumuho
Basta ang alam mo ikaw ang mahal ko

Pakinggan mo sana mga nakatagong mga himig
Handog na my pag ibig dalang mga ligalig
Buwan akong kinikilig masdan mo umiibig
Sa dagat masigasig mapayapa kitang iniibig
Mala pilikulang marami ang nakaabang
Mga matanga nakapaligid ayaw palamang
Malamang di ako mag tatabang
Dika sana magsawa hindi ako manlalamang

Tayo nang dalawa
Kahit na partida
Parang lumang sine
Na ikaw ang bida
Hanggang dun sa dulo
Ng pasong diablo
Hinga ng malalim
Pumikit kalang at tumalon
Haaaa talon
Hoooh talon
Haaaa talon
Tumalon
Haaaa talon
Hoooh talon
Haaaa talon

Kahit gaano kataas ay tatalunin
Sapat nang pahiwatig wala na ang yong galit
Gabi gabi nalang ikaw ang aking panghinip
Ngiti hanggang gilagid sayo ay na aakit
Sabay halik sa hangin malakas na pag kaihip
Mga tanong na bakit ako ay nilalait
Maramdaman mo sana at sumagi sayong isip
Gusto ko mang lumapit marami ang nakasingit
Puso moy nasilip nabigong paulit ulit ulit
Bilog ang mundo huwag mo sanang iikot satin
Malay ba natin kung para ba talaga sa atin
Kung ikaw ay alanganin hinga kalang malalalim
Palasyo na mahangin partida pikit kalang at

Tumalon
Haaaa talon
Hoooh talon
Haaaa talon
Tumalon
Haaaa talon
Hoooh talon
Haaaa talon

Kahit gaano kataas ay tatalunin...
Kahit mahulog sa bangin ay sasaluhin...

Imago ft. BenteDos - Partida (Official Lyric Video)


Imago - Partida feat. BenteDos (Official Lyric Video)

Universal Records PH