Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Flow G - Batugan Lyrics

Ang sipag magtututulog kaya pitaka puyat
Imbes magbanat ng buto nag-unat ng butong may kasamang hikab ganun katamad
Sa bayabasan ka magaling mag abang ng malalaglag
At nagtataka ka pa kapag sa bulsa mo wala ka ng nakakapkap clap clap clap
Ang hilig mo sa teka muna kaya imbes salapi ang nakuha mo muta
Punto ko sana makuha na baka sa kakahiga mo ay dyan ka makuba
Anong misyon mo sa lupa magpatigas ng batuta
Paramihin ang populasyon ganyan ba talaga pag walang ambisyong mataas di nalulula

Buti pa tupa napapastol ikaw puro angas tol
Halatang nagpapanggap pag nasa labas ng door
Iba ibang palabas kaya madalas magmall
Akala mo lang nakahabol ka na pero di ka pa nakaka score

Di lang pala yung tulog ang pwedeng may mapanaginipan
Di na pwede na lahat ng gusto idaan sa hilingan
Pag may nahiligan di madalian di madali yan
Bat di pag igiran sige ika’y magpursigi kasi di pa huli

Pero sayo yan nakadepende di yung nakabase ka sa swerte
Di laging pag pwede na yung pwede lang kung pwede nga isipin na walang bagay na hindi na pwede
Syempre di araw araw abente singko ng disyembre darating at darating ang peste
Yan ang dapat mong paghandaan kasi buti pa yung leche flan ay may plano kahit leche
Akala ko ayaw mo ng de lata pero lagi kang nakahilata
Kala ko ayaw mong tumunganga pero inuuna mo bunganga
Kala ko gusto mo ng biyaya pero lagi kang nakatihaya
Sarili mo din ang dinadaya kasi sa katamaran mo sya niyaya

Dapat di ka kasi pumapayag
Ikaw din naman ang mahihirapan
Tsaka ikaw din ang manghihinayang sa masasayang

Hoy batugan di ka pa mayaman wala ka pang matabang wallet
Bakit di ka makabangon baka bakal ma mukha mo tapos unan mo naman magnet
Pahiga higa lang sa higaan kala biyaya sa iyo ang kusang lalapit
Iba ka hanep di nagpapanic sanay ka bang walang budget o sadya ka lang walang target
Yung iba namang mga tamad ay meron ding kakaibang mindset
Kaso lang hindi natin alam kung utak ba talaga nila ang ginagamit o gumagamit
Pag walang wala at pagka kailangan ay sa patalim kumakapit pag walang arep
Sige ang dale sige ituloy mo pa pare hanggat hindi ka pa sumasabit

Sana malabanan mo sarili mo nasanay na na puro ka hingi
Alam mo naman siguro sa sarili mong hindi ka nakakabilib
Tapos sya pa yung galit sayo sa pilitan, yun naman ang di ko maintindihan
Tipong imposibleng di mo din kainisan kahit paulit ulit mo pa sigihan mali ka na kahit na isang beses mo na hindian
Sa mga naririnig mo sana nakatutok ka para matuto ka na siraulo ka
Ang sakit mo na sa ulo kasi baka yung sakit mo nga ay nasa ulo na
Kung di ka kumilos ay hindi ka tutuka kapag hindi ka ngumuya ng ngumuya mabubulunan ka naman o kaya bibig naman ay bubula kasi hindi to labanan ng patigasan ng mukha kaya matuto mahiya

Flow G - Batugan (Official Music Video)


Artist:
Archie "Flow G" Dela Cruz
Beat Produced By Flip D

Production: Titus Cee Films
Directed By: Titus Cee
Cinematographer: Benjie Phillip
Camera Operator: Toti Abad
VFX Editor: Warren "Warz" Tablo

Ex Battalion Music™