Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Banda Ni Kleggy - Bahay Kubo Lyrics

Nung tayo’y bata pa
Nagbabahay-bahayan tayo
Kunwari ako’y asawa mo
At mayaman daw tayo
Sabay tayong matulog at
Nangakong ‘di maghihiwalay
Sabi mo’y mahal mo ako
Hanggang sa dulo ng mundo

Ngayo’y ang layo mo
‘Di na pareho ang ating gusto
Ang dating pangako’y
Pilit limutin ng husto
Ngayon ang layo mo
Ang dami na sigurong nagbago
Ako’y maghihintay pa rin
Sa ‘ting bahay kubo

Pagka-graduate ng kolehiyo
Sa wakas uuwi ka na
Minahal mo ulit ako
Magkakabahay na tayo
Lumipas ang ilang taon
At aalis ka na muli
Magta-trabaho sa ibang bansa
Kailan kaya ulit ang balik mo?


Ngayo’y ang layo mo
‘Di na pareho ang ating gusto
Ang dating pangako’y
Pilit limutin ng husto
Ngayon ang layo mo
Ang dami na sigurong nagbago
Ako’y maghihintay pa rin
Sa ‘ting bahay kubo

Lumipas ang panahon
Oras, araw, buwan at taon
Balita ko’y may mahal ka na
Ngunit sa’kin ay tanging ikaw
At sa huli nating pagtatagpo
Yayakapin ka’t ibubulong
Kahit masakit mang sabihin

Ngayo’y ang labo na
Bakit ‘di na pwedeng maging tayo?
Ang dating pangarap ay
Hindi mo na gusto
Ngayo’y ang labo mo
Bakit ‘di na pwedeng maging tayo?
Ang dating pangarap ay
Hindi mo na gusto

Ngayo’y ang labo na
Ang dami na talagang nagbago
Ako’y maghihintay pa rin
Ako’y maghihintay pa rin
Ako’y maghihintay pa rin
Sa’ting bahay kubo
Sa’ting bahay kubo
Munting bahay kubo

Banda Ni Kleggy - Bahay Kubo (Official Lyric Video)


Bahay Kubo is written by Berns Cuevas and performed by Banda Ni Kleggy and produced by Rye Sarmiento of 6cyclemind and Banda Ni Kleggy and released under Warner Music Philippines.