Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Raina - BTYH Lyrics

Kitang kita sa iyong mata
Para bang nagsisisi ka
‘Di ako mayabang pero kaya kong ipagyabang na
Ako lang ang may kayang gawin
Na ika’y pakalmahin
Kaya kita ko na kahit meron kang iba
Iba pa rin kasi

Kahit ‘di aminin ako na ako pa rin naman ang gusto mo
‘Di ko man sabihin kaya kong basahin
Parang bukas na libro oh
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Ayoko na magsalita
Kung pa’no ba nagsimula
Istorya nating dalawa na parang nobela
Sa gitna ng mga pahina
Parating may eksena
Nagsisigawan, nagbabangayan sa ‘di alam na dahilan
Ano ba ang nangyari sa’ting dalawa
Dati naman ay masaya
Kahit may pagkakaiba
Ng gusto sa buhay, pag-ibig ang tanging pakay
Titig lamang ang patunay
Kaya kahit kalimutan ‘di makakayanan


Kahit ‘di aminin ako na ako pa rin naman ang gusto mo
‘Di ko man sabihin kaya kong basahin
Parang bukas na libro oh
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Alam kong mahirap gawin na ako’y limutin
Kahit sino ay makakapansin
Na nagsisisi ka at parang ‘di mo kaya
Na makita ako na masaya sa yakap ng iba
Pero wala na akong magawa kundi tingnan ka
Yan ang kapalit ng lahat ng sakit
Na hindi ko na kinaya’t natiis
Asahan mong ‘di mo na maaasahang babalik hey
Eto na ang huli nating pagkikita
Maghanap ka man ‘di mo na makikita
‘To sa iba kahit sa’n pa tumingin

Kahit ‘di aminin ako na ako pa rin naman ang gusto mo
‘Di ko man sabihin kaya kong basahin
Parang bukas na libro oh
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Ohhh…

Raina - BTYH (Official Audio)


BTYH (Official Audio) - RAINA