Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Lo ki - Awake Lyrics

Alam mo ba kapag ako’y mag-isa
Hinahanap-hanap kita
Alam mo ba, alam mo ba, alam mo ba

Na pagkagising na pagkagising
Wala akong ibang alam na isipin
Na sana’y lagi ka na lang nasa piling
Ikaw ang gusto kong unang makita pagkagising

Sanay na ako na ikaw ay laging nasa tabi ko
Isang araw pa lang na hindi ka makita
Nag-aalala nang husto
Ikaw ay parang pinagpalang halaman nasa kalawakan galing ang buto

Habang ako ay ligaw na damo na tumubo dyan sa tabi mo
Kaya tanggapin mo sana ako, tanggapin mo sana ako ng buo
Sana samahan mo ‘ko sa ginhawa
Kahit pa sa panahon ng tagtuyo
Mula sa inyo ay malayo dadalhin ka sa kabilang ibayo
Itatakas kita sa kastilyo na nakasakay sa puting kabayo

Halika at magmaghabulan tayo sa kakahuyan
Sa taglay mo na hiwaga para kang diwata
Na natagpuan ko kung saan
Napapaligiran ka ng magagarang bulaklak
Ikaw ay anghel na pinadala ng langit sa mismong harapan ko bumagsak

Pagkagising na pagkagising
Wala akong ibang alam na isipin
Na sana’y lagi ka na lang nasa piling
Ikaw ang gusto kong unang makita pagkagising

Pagkagising na pagkagising
Wala akong ibang alam na isipin
Na sana’y lagi ka na lang nasa piling
Ikaw ang gusto kong unang makita pagkagising

Dalawang kamay ko ay hawakan
Sabay nating tuklasin ang ating mga kapalaran
Alamin natin ang misyon natin sa mundo
At ang koneksyon natin sa kalawakan

Sa ilalim ng pag-ibig mo
Nagkakasundo ang oras
At panahon parang ang kada segundo ay bagong taon

Dopamino sumasabog
Ako ay atomikong may nakatagong mga heroglipiko sa ‘king isipan
Palaisipan ang mga kasagutan na aking nakita
Sa mga mata mo na may liwanag na dala

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka
Ko kapag kasama ka

Kaya hanggang sa huli
Sana ay magkita tayong dalawa
Hanggang sa muling pagkagising

Lo ki - Awake (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Awake" by Lo ki.

"Awake"
Written by Lo Ki
Produced by Pino G
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Music Arranged by Pino G
Mixed & Mastered by Don Sy at Gyran Mondejar Music Studio, North Caloocan, Philippines
Artwork by Jc Echanes