Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 ft. Third Flo' - Apoy Lyrics

Kahit na may magpahaging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kong lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nila’y silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Marami na akong naabutan
Marami na rin ang nauna
Pero sino ba talagang mahusay?
Maniwala ka, hindi lang isa

Ang dami ng sabi-sabi ibang atake
Hinihimay na parang mamiso mong pamasahe
Kulang pa ang salita na nakakalalake
Dalawang taon ko na tinrabao walang nangyari
Meron pala pero parang gasolinang gamit
Sa panahon na palaging hiram aking damit
Kanin na pinisa gamit na pandikit
Meron ding napala kasi nga makulit
Hindi ko tinigilan hanggang sa makuha ko
Paltos na talampakan kalsadang baku-bako
Pitasin ang tagumpay sa puno ng bigo
Natuto na tumingala kahit nakayuko
Tanong ko’y bakit nilait-lait ganun kalapit
Saking mukha naligo naman ako’y bagong ahit
Parang madungis namamalimos ng malasakit
Tinapay na pinaghirapan may ibang dumagit

Kahit na may magpahaging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kong lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nila’y silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Tol, kung akala mo na pwede kang tumunganga hanggang sa matapos ang lahat ng ito
Nagkakamali ka

Pwede bang magkwento ako kahit isa
Nangyari sakin nung ako ay nag-uumpisa
Upang hindi manghula dapat makabisa
Ibig sabihin lahat ng nakikita nila
Ay may pinanggalingan bago makarating
Kung alam mo ang sagot di na dapat tanungin
Sinisante sa kumpanyang kung tawagi’y bituin
Nasimot na daw nila lahat ng pwedeng pigain
Kung usapang katas yan ay marami pa ko
Mga nakasalamuha taong nakatrabaho
Sumulat ng kantang lima na aking inilako
Tapos ay nakilala naming ni Chito si Lando
Kahit di karpintero natutong magmartilyo
At bumuo ng upuan ako ay Pilipino
Kung may gustong sabihin sige halika dito
Walang kaso kahit na datihan ka man o bagito

Kahit na may magpahaging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kong lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nila’y silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Naaalala ko nung ako’y dinarag-darag
Kapayapaan sa loob ko ay halos mabasag
Pero ‘di nagpatinag at nagsipag na lamang
Nangako na ang mga ‘yan ‘gang tingin na lamang
Apoy nagliyab nung ako’y matahin
Ikatlong palapag mas binigyang diin
Manigas mga nagningas kugon
Sa wakas ‘lam na kung nasan ngayon
Ngumiti sa halip na gumanti sa bumabato
Habang hinihila pababa mas lalo lang lumalayo
Humiling sa uniberso gamit berso
Gawing positibo ang negatibo sa merong atraso
Marunong magpatawad pero di nakakalimot
Ginawa kong gasolina ang sakit ng naidulot
At ngayon ay parang sigang di maawat-awat
Bonifacio na mikropono ang hawak-hawak
Lalaban sa huli para sa aking pangarap
Babaon ko sa tuktok tondo ‘yan ay watawat

Kahit na may magpahaging
Di ako kumikibo
Pilit man nilang hatakin
Pataas kong lumayo
Pangalan mo man ay lapain
Tiyagain mong itayo
Mga mata nila’y silawin
Apoy na malayo pa na maging abo

Gloc-9 ft. Third Flo' - Apoy (Official Lyric Video)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by: Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: John Edmel “Gcode” Tabuniar