Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Daryl Ong - Adik Lyrics

Laging nasa isip ka
Kahit na ika’y lumisan na
Saan man ako mapatingin
Mga ngiti mo ang naaalala

Naiwang bakas sa puso ko
Ang mga halik at yakap mo
Paano ba maibabalik
Ang pagmamahal mong dating akin

Hindi na bale’ng magmukhang tanga
Sa kakaasa na magbabalik pa (Ikaw ba’y babalik pa)
Kung para sa isang pagkakataon
Muling maramdaman at mahagkan ka (Muling mahagkan ka)
Dahil panghabang buhay ang hatol sa tulad kong
Adik sayo, adik sayo

Sa bawat gabing dumaraan
Di makatulog at paikot-ikot lang
Tila wala na nga’ng katapusan
Ang lubusan kong panghihinayang

Noo’y gabi-gabing pinagmamasdan
At dahan-dahang hahaplos sa’yong katawan
Alaala ng ating nakaraan
Paulit-ulit kong binabalikan

Hindi na bale’ng magmukhang tanga
Sa kakaasa na magbabalik pa (Ikaw ba’y babalik pa)
Kung para sa isang pagkakataon
Muling maramdaman at mahagkan ka (Muling mahagkan ka)
Dahil panghabang buhay ang hatol sa tulad kong
Adik sayo, adik sayo

Aaminin ko nananabik pa rin sayo
Bawat detalye ng hubog mo’y nasa isip ko
Hanap-hanap pa rin
Halik mong kay tamis at init ng yakap mo

Hindi na bale’ng magmukhang tanga
Sa kakaasa na magbabalik pa
Kung para sa isang pagkakataon
Muling maramdaman at mahagkan ka
Dahil panghabang buhay ang hatol sa tulad kong
Adik sayo, adik sayo, adik sayo, adik sayo

Daryl Ong - Adik (Official Lyric Video)


Composed by Daryl Ong
Performed by Daryl Ong
Arranged by Bobby Velasco
Back Up Vocals by Daryl Ong
Mixed and Mastered by Teddy Katigbak
Video/Motion Graphics by Abundio Esguerra
youtube.com/user/abundio53
Produced by Daryl Ong Music / In D Zone
Administered by House Of Tunes Music Publishing
Licensed to CD Baby on behalf of Daryl Ong