Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Abaddon ft. Acepipes & Yuridope - Mapapamura Ka Na Lang (Music Video)


Mapapamura Ka Na Lang
Abaddon Ft. Acepipes & Yuridope
Produced, Mixed & Mastered By: Michael "Cursebox" Negapatan
Lyrics By: Venzon "Abaddon' Malubay, Kenneth "Acepipes" Garcia & Elvin "Yuridope" Santos

Music Video Producer: Venzon Malubay for Thugszilla Production with cooperation of Wilson & Michelle Zamora for B.MIC Lifestyle Clothing
Directed & Edited By: Red Espeña of Frame Up MNL & Alon Creatives

Curse One & Abaddon - For Me and You (Official Music Video)


Curse One & Abaddon - "For Me and You" (Official Music Video) by Haulah Cafe & MADFilms

Haulah Cafe together with MADFilms would like to present to you our First Official Music Video "For Me and You" with the collaboration of singer rapper/ songwriter Curse One & Abaddon. Starring Abi Uy and Spencer Narciso.

Director & Video Editor: Vanjo DeGuzman
DOP Cinematographer: Mar Peralta/ Jhomel Beniza
Beat Produced by CTBeats PH
Singer Rapper/ Songwriter: Curse One & Abaddon
Artists: Abi Uy & Narciso Spencer Capistrano
Rap Artist Grooming: Pen De Leon
Artist Hair and Make Up: Joanna Marie Liwag
English Subtitle Translator: Raquelle L. Ramos
Architect/ Designer: Arch. John Louie Ang & Arch. Anna Karmina Ang
Sponsored By: Trèsor Supreme
Produced By: Haulah Cafe (John Michael Yatco & Rochelle L. Ramos) & MADFilms (Vanjo Deguzman)

Haulah Cafe & Wok Tasty Food is open for walk-ins, take out, and delivery. Visit us at Unit 101A #106 Visayas Avenue, Quezon City.

Curse One ft. Smugglaz, Abaddon & Mike Kosa - Sakalam (Official Music Video)


Written & Performed - Mike Kosa, Abaddon, Curse one & Smugglaz

Directed by: Eddrian Alcayde
D.O.P - Eddrian Alcayde & Jasper Gojit
Aerial: Keyr Teriote
BTS: Mark Louie Gungon

Abaddon, Kial & Smugglaz - Stupid Rap (Lyric Video)


Stupid Rap - Abaddon, Kial & Smugglaz
Lyrics & Written by: Abaddon, Kial & Smugglaz
Character illustration by: PogLanz Regalado
Lyric Video Animation by: Vanz Cadiente

Abaddon - Kapitan Abaddon (Official Music Video)


Abaddon - Kapitan Abaddon Cursebox Remix
Recorded at: Planta Musika Recording Studio
Produced Under: Thugszilla Production
Instrumental By: Eman "Eman Da Great" Bautista
Remix By: Michael "Cursebox" Negapatan
Dance Interpretation By: Lexus "Killa Spazzout" De Castro
Director Of Photography: Jasper Lawan & Jc Echanes
Video Edited By: Jasper Lawan & Venzon Malubay

Abaddon ft. Rhyne - Biyaheng Langit (Official Music Video)


Abaddon - Biyaheng Langit Ft. Rhyne
Recorded At: 357 Pro Recording Studio
Audio Mixing & Mastering By: Zandro "Ochomil" Verula
Instrumental By: Eman "Eman Da Great" Bautista
Video produced Under: Thugszilla Production & Bahay Katay Tournament
Director: Jc Echanes
Editor & Colorist: Jc Echanes

Gloc-9 ft. J.Kris, Abaddon, Shanti Dope - Norem (Official Music Video)


Gloc-9 ft. J.Kris, Abaddon, Shanti Dope - Norem (Official Music Video)

Universal Records PH

Gloc-9 ft. J. Kris, Abaddon & Shanti Dope - Norem (Official Lyric Video)


Gloc-9 feat. J. Kris, Abaddon & Shanti Dope - Norem (Official Lyric Video)

Universal Records PH

J. Kris, Gloc-9, Abaddon & Shanti Dope - Norem Lyrics

Dami ng gustong kumuha
Dyan na lang sa may bangketa
Para di masyadong kita
Ng mabeta kong paninda ko ohhhh
Ano ba to ohhhh
Binebenta ko ohhhh
Pano ba to ohhhh
Ako lang ang meron neto

Alas dose, hating gabi
Pwedeng pa-gramo gramo kung gusto bumili
Abutan ng bayad sa may tabi tabi
Ingat lang dahil baka may makasalisi

Makinig sa istorya dun sa may Divisoria
Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria
Palagi nasa lansangan kahit na maalinsangan
Di sya nag-aalinlangan basta’t tamang bentahan
Kaya ingat lang sa kapkapan baka mag???
May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban
Wag nyo akong tutularan sa???? ang kanyang pangalan
May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan
Kailan kaya matututo, wag matigas iyong ulo
Di nakuntento sa porsyento, dividendo kilo kilo
Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan
Ilan pa bang buhay ang dapat masira’t kailangang hanguin sa putikan

Paninda ko ohhhh
Ano ba to ohhhh
Binebenta ko ohhhh
Pano ba to ohhhh
Ako lang ang meron neto

Ako na lang ang meron wala na dito samin
Mga isdang kasabaya’y naprito na’t nadaing
Sistemang mapanlamon ang dami kong inihain
Handa kong mamatay dahil may dapat na buhayin
Pamilyang umaasang matulungan sila
Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga
Di pwedeng ako’y makulong lalaban ako kahit mag-isa
Sabog ulo man o palit ulo kahit na magturo pa ng iba
Nakulong na si kosa nanlaban na si tropa
Pasensya na kayo kailangang maabot ang kota
Para to sa pangsuporta wala ng makakakontra
Trabaho lang walang personalan bago lumayo ng sobra
Sa espadahan ng sungay kailangan ikaw ay mahusay
Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay
La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay
Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay

Tropang gising tropang gising tropang gising sing
Mga praning mga praning mga praning ning
Laging gising laging gising laging gising sing
Mga praning mga praning mga praning ning

“Gusto ko na talagang magbagong buhay kasi lumalaki na yung mga anak ko”

Mamang nakaputi pede ka bang lumingon
Yung tinda mo sa’yong munting kariton
Ang bibig ko’y tikom lang kita’y lalago
Basta may libreng tikim sa iyong nilalako

Sabi ko noon ???? kaya ko na pong mag-isa
Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko’y walang natira
Sa kada pandikit ko nagtatanong sa sarili ng maiba
Papano kung maaga kong tapat kasahan ang aking mabatong lapida
Kaya kahit na ko’y dilat hirap manalamin
Kung kaninong bungod yung kaharap ko sa salamin
Pero kahit madalas mapraning bihasang bihasa na to sa pagdating
Sa galawan ako lamang ang tanging biktima at salarin
Pinugad ang kagipitan, salapi’t kaibigan
Habang buhay dinala kasiyahan na panandalian
Mundong ??? ko ng matagal kahit pa sabik pa kong iwan
Kaso sa huli ??? at libingan lamang ang pwede kong pagpilian

Dami ng gustong kumuha
Dyan na lang sa may bangketa
Para di masyadong kita
Ng mabeta kong paninda ko ohhhh
Ano ba to ohhhh
Binebenta ko ohhhh
Pano ba to ohhhh
Ako lang ang meron neto

Ako lang ang meron neto
Ako lang ang meron neto

Bosx1ne ft. Huddasss & Abaddon - Front Page Lyrics

Yeah
Tahahaha
Owlehh

[Chorus]
Hanggang tinginin lang ba sayo ang kaya kong gawin,
Dahil wala namang pag-asa na ako at pansinin.
I wanna looking to you right,
Your beauty is my phrase.
When I saw you in a Front Page
When I saw you in a Front Page
Front Page...

[Verse]
Owlehh
Yeah
Saw you in snapchat,
Right bae in snap back,
Got chick with a hot shot,
Shine girl lecken do with a crop back.
Araw araw kong binabalikan,
Ang litrato mo palagi kong hinahalikan,
Kahit sinong sinasabi na ako ay libang at baliw na daw ako wala akong pakiilam.
Your good baby sana'y ayos kalang,
Wag kang laging busy mapapagod ka nyan,
Sino ba Naman ako na taga hanga mo lang?
Eto ako baby mamansin ka Naman.
Kahit di ko maintindihan kung bakit ba ako nagtyatyaga sayo hindi ko din Alam,
Dahil nga siguro sa nakita ko ibang iba ka sa lahat kaya eto patuloy na lang Yeah...
Alam kong umaasa parin na balang araw na sana ay ako'y mapansin kahit na hindi ko alam ang dapat gawin,
Tagahanga mo pa rin ako mahal ka parin.

[Chorus]
Hanggang tinginin lang ba sayo ang kaya kong gawin,
Dahil wala Naman pag-asa na ako ay pansinin.
I wanna looking to you right,
Your beauty is my phrase.
When I saw you in Front Page
When I saw you in Front Page
Front Page...
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah When I saw you
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah When I saw you

[Verse]
Di ko maaasahang mahuhulog ako at mabibighani sa unang tingin parang kinukulam habang ikaw ay sinisilayan,
Hindi ko nais makawala sakin paningin kadalasan ma pa wow,
Sa tuwing lumilitaw katawan mo lang tanggap ko na ako'y silaw,
Sa Sandali nasisilayan ka kahit alam ko na patutunguhan ay bigla biglang na liligaw,
Tinatawanan ang mga tao sa paligid ko,tinatamaan lang daw naman ako ng libido,
Di panaman nasisiraan ang ulo to,
Tila ba tulala lang siguro ako,
Kahit na ipunin ko lahat ng larawan mo handa akong gawin kung mapapasakin,
Kahit sa loob man lang ng bahay,
Ako'y masabi sa sarili ko tunay ka nga na laging akin,
Kahit maubos mga lahat ng salapi ko at umabot man ako sa puntong wala nang makain,
Kahit kahibang ito kung ituturing nais ko lang manatili ka na nakatitig sakin.

[Chorus]
Hanggang tinginan lang ba sayo ang kaya kong gawin,
Dahil wala namang pag-asa na ako at pansinin.
I wanna looking to you right,
Your beauty is my phrase.
When I saw you in a Front Page
When I saw you in a Front Page
Front Page...
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah When I saw you
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah When I saw you

[Verse]
Mga tingin na may laman na tila,
Unti unting ako'y kinikindatan,
Saharap ng magkasing halata lima daan,
Ang sarap parang muli akong binibinyagan,
Ako ay nilalang ng baliw at timang sa tuwing masilayan ka kinikiligan ka kabisado mga kilos,
Palihim kang lahaman mananatiling takot dahil hanggang titig na lang,
Mga tingin talagang nakaka panginig na malaking katawa ako at alipin mo aking binibini ako at nabighani sayong ngiti,
Talagang ako'y matyeteng mangmang na nahulog sa dalagang di man lang mahagkan,
Imposibleng tayo at maging Eva tagang pwede yung kapatid mo sa tuwing naliligo ka baka may video ka pwede bang bilhin ko kahit na ilang libo pa yan,
Sabihin man nila na libog lang yan ako at umiibig sayo nang hindi mo alam.

[Repeat Chorus]

Abaddon ft. Vlync - Huwag Mong Mahalin Lyrics

Lasing ka na naman anong nangyare kagabe?
Umuwi ka ng may baon pang babaeng malake
Panay ang kamot nya sa singit mong maasim, makate
Astigin ka ba pre kapag iba iba ang katabe?
Iba’t ibang bangka ang yong sinasakyan
Mukhang hindi ka na tinatablan porket di ka sinasaktan
Lahat na lang kinakamkam kahit kaibigan ang may-ari
Ay di mo dinadamdam pilit mo pang sinasagwan
Mga istilo mo’y bulok
Kahit mapahiya ka ay pagpipilitan mo na malunok
Kahit na kalimutan ko’y nakakalimutan kong kalimutang ikaw ay matagal ko ng subok
Sirang sira ka pag babae ang usapan
Bakit mo hinayaan na madungisan ang pangalan mo
Palagi kang tinatawanan dahil nga ang yabang mo
Pero ayos lang yan dahil lahat to’y kasalanan mo

Chorus:
Anung nangyari tropa?
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin
Na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin

Hindi ka tinuturing yaman ng magulang mo
Ang alam mo lang ay manggulo
At pagkukulang lang ang kaya mong buo na ibigay diyan ka mahusay bro
Kulang na lang ay umusbong ang mga sungay mo
Di ka tumatanggap ng payong kapatid
Kaya batid ko na kung ganong pang-unawa’y kasaid
At malamang sanay ka na sa mga tratong malamig
Isa kang tao na palalo na malabong padaig
Nasobrahan ka na sa lalim
Ano bang inuulam mo sa kanin?
Puro ba masamang hangin?
Kahit ikaw ay alanganin na alam mo bang kasama ka pa rin sa aking mga panalangin?
Huwag mo sanang masamain
Dapat kasi minsa’y subukan mo na harapin ang salamin
Dahil lalo ka lang mapapahamak at sasamain
Kung di mo gustong alamin kung sino ba ang salarin

(Chorus)

Ayos ba na maging siga at maangas?
Tapos kunwari matalino ka’t matalas?
Kahit kanino ka pabibo parang may anting-anting mga ngiti mo
Ang galling mong mangbayabas
Kung ano man ang tinitira mo ngayon
Unti-unti ka niyang ihahatid sa libingang kahon
Kahit ano man ang ipilit mong talon
Anim na talampakan pababa ka niyang ibabaon
Gusto lang kitang tulungan
Baka mga demonyo’y may inuman at ikaw ang mapulutan
Baka maging laman ka ng bulung-bulungan
Dahil masaya ka na sa sementeryo o kulungan
At bago ka pa nga tuluyan na kainin
Subukan mong siyam na oras na walang gising
Dahil napakasakit kung iisipin
Ang isang kaibigan ko sa kangkungan ko pupulutin

(Chorus)

Huwag na (5x) Huwag

Huwag mong mahalin…

Abaddon - Kapitan Abaddon Lyrics

Minsan sa kaharian na kung tawagin ay Malabon
Ay may istoryang nakatakda ng maganap
Hahahahahaha

Merong isang matandang ulupong
Na lulan ng lumulutang na bubong
Ang mga mata niya ay parang utong
At taglay niya ang kilay na magkarugtong
Meron siyang tungkod na palitong tutong
Nung minsan kami ay magkasalubong
Sa akin ay pasigaw siyang bumulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Ako daw ang siyang inaantay
Na tagapagmana’t tagabantay
Ng alamat na espada ng panday
Ang matagal na din na inaantay
Ng tatlong daang maton upang ng sa ganon
Ang mga paa ko’y magpantay
Awhooo (3x)
Yan ang kanilang tanda
Isang malaking banta
Kaya ako’y mabilis naghanda
Sabay sabay sila sa akin umatake
Habang kamay ko’y panay ang pagkarate
Lahat katay sakin walang hindi namate
Mga patay ay nagkalat na sa kalye
Akala ko ang laban ay tapos na
Nagkamali pala ako ng husga
Kasi naman lahat sakin ay lamog na
Tumayo ang boss nila tapos sa harap ko ay pumunta
At ako ay kinilabutan sa haplos niya
Antimano ang balat ko ay natusta

Ako ay nagulat walang natugon
Di ako matatalo akala ko no’n
Ngunit ako ay kanyang buong nilulon
At habang ako ay lutang ay biglang kuminang ang bubong
Na lulan ang ‘sang matandang ulupong
Bigla kong naalala ang kanyang bulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Yumanig bumuka ang lupa
Lumabas ang berdeng tutang
Lumulutang at may durang parang asidong suka
Sumunod ang itim na pusang lamanlupa
Lumulutang din at merong ugali na magaspang at balahura
Sila’y pumwesto sa kaliwa’t kanan ko
Biglang sabay sila na nagtawanan
At napaatras ng konti ang kalaban
Sumugod sa akin ang boss na mayabang
Akala ko ay takot siyang malawayan
Pero sa amin siya’y nakipagsabayan
Nilabas nya ang sandamakmak
Mga dinasalang patalim panaksak
Unti-unting nagiging higante habang malakas humahagakgak
Ang pawis ko’y tumatagaktak takot na takot pumapalakpak
Naaamoy ko na ang katapusan biglang sa lapag kami’y bumagsak

Sa pangalawa na pagkakataon ay walang nagawa ang mistulang dragon
Ang isipan ko ay napuno ng tanong
Anong nangyare? (2x)
Bakit natalo ko bakit ganun?
Sinungaling ba ang matandang ulupong ha?
Totoo pa ba ang kanyang bulong na

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Bigla ka na lang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakaro’n ka ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Merong halimaw saking harapan at ako ay pinagtatawanan
Habang nakatitig sa kawalan
Di ko mapigilan ang galit
Dumaloy ang init na parang apoy sa kalan
Biglang dumilaw ang aking buhok
At lumiwanag ang aking katawan
Ako ay naging super saiyan
Sobrang tapang sumugod agad sa kalaban
Di ko na sya binigyan ng pagkakataon na makabunot
Ang malapad niyang dibdib ay mabilis kong natarakan
At bago matuluyan ako daw ay kanyang hinangaan
Ang mamatay daw sa aking kamay ay ituturing niya na isang karangalan
Isang nilalang ang siyang nabuhay at walang dudang nagpatunay
Walang katulad siya ay mahusay
Karapat dapat na tagapagmana ng espada’t handang ibuwis ang buhay
At ang sino mang magtangkang umagaw ay ihahatid niya agad sa hukay
Nagpaalam na ang matandang ulupong
At meron siyang mensahe na iniwan sakin
At gusto niyang sa isip ko’y ikulong
Making ka sa kapangyariha’y huwag kang malulong
Kung gusto mong maging Kapitan Abaddon
Isisigaw mo lang ang aking bulong

Katumbas mo ay walong dragon
Madaming leon at malaking pagong
Ako ay biglang lalakas pagkatapos mong tupdin ang mga takdang orasyon
Isang simpleng talon na susundan ng kaliwa’t kanang lingon
At magkakasaplot ng gintong pantalon pagkasigaw mo ng

Kapitan Abaddon
(2x)
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon
Ako (2x) Ako si
Kapitan Abaddon
Ako si (3x)
Kapitan Abaddon

Mikekosa ft. Abaddon & Thirdflo - Ang Aking Bisikleta Lyrics

ang aking bisekleta kapag niram pa
parang ginto sayong mata
sayong mata mapapatitig,mapapatigil
ikay mapapabuntong hininga
ang mga kalye nagiging cali
kapag kami na ang lumalabas
pinaslowridaz
pinaslowridaz
pinaslowridaz
pinaslowridaz

sabay sabay tayong bumyahe
sa mahabang biyahe mga tropa
habang sakay ako ng bisekletang naka croma
pasukin na natin ang mga iskinita at kalsada
tuloy sa pag pidal walang bibitaw sa manibela
kasalubong ko ang hangin kasama namin
na binabaybay manga iba’t ibang tanawin
kahit gumimik kagabi
naka hangover sa hard
dahil tuwing linggo tambay kami sa roxas blvrd
ibat ibang klaseng pormahan
makikita mo samay langsangan
bisekleta na talaga namang ng gagandahan
sa kaliwa sa kanan mo ibaling ang tingin
baka ikaw ay mapinahan
walang pwedeng magangas
kahit sino mang ungas
kaunaunahang competition dito sa pinas
palupitan ng dating napa raming iteketa
mybabagers paba dito sa aking bisekleta

ang aking bisekleta kapag niram pa
parang ginto sayong mata
sayong mata mapapatitig,mapapatigil
ikay mapapabuntong hininga
ang mga kalye nagiging cali
kapag kami na ang lumalabas
pinaslowridaz
pinasloridaz
pinaslowridaz
pinaslowridaz

halikana’t libutin natin ang kamaynilaan

kami ay konti lang dati dumame ng dumame
magandang samahan kaya marami ang sumali
malate,mandaluyong,quezon city,paranaque,
cebu,santa rosa,london,tondo at cavite
ibat ibang hood
ibat ibang balwarte
ibat iba ang kilos
ibat ibang diskarte
kung pano maka sali saming patimpalak
nandito na ang bikewqars lupay nabibiyak
mapa north side south side
east hagang west itim na bandana naka nike cortez
at itaga mo sa bato ang bisekleta ko
balang araw magiging lowrider na totoo

ang aking bisekleta kapag niram pa
parang ginto sayong mata
sayong mata mapapatitig,mapapatigil
ikay mapapabuntong hininga
ang mga kalye nagiging cali
kapag kami na ang lumalabas
pinaslowridaz
pinasloridaz
pinaslowridaz
pinaslowridaz

pinaslowridaz to yan ang ating ipagsigawan
aming kinahiligan ang di mo pag sasawaan
bisekletang di mo pwedeng basta basta matawaran
maraming inggit at kamiy tinatawanan
mapormang bisekleta pilit na sinasapawan
mga ugas hinding hindi nyo to ma hahawakan
amin nag nagulugan ang dipa niyo nalalakaran
pinaslowridaz
yan ang aming samahan aming bisekleta’y
parte na ng katawan lahat napapatingin
napapalingon at napapa saludo pag kami
na ang sama samng dumaraan
wag mong sasagasaan kung ayaw mong masaktan
buhay ang kapalit nitong sasakyan
kahit walang chikot di na bale mga tropat pare mga
parang nasa eastlost at cali
pag kami na ang namasdan

ang aking bisekleta kapag niram pa
parang ginto sayong mata
sayong mata mapapatitig,mapapatigil
ikay mapapabuntong hininga
ang mga kalye nagiging cali
kapag kami na ang lumalabas
pinaslowridaz
pinasloridaz
pinaslowridaz
pinaslowridaz

Abaddon featuring Loraine - Isang Tawag Mo Lang Lyrics

Chorus:
Ako’y isang tawag mo lang
Agad agad ako’y nandiyan
Walang sinabi sakin si superman
Ako’y isang tawag mo lang

Ako daw ay puro porma’t magaling lang magsalita
Mga bintang sakin na di ko naman kinakaila
Kaya hindi na rin naman para pa ko mabigla
Kasi nga minsan sa sarili ko na lang
Di ko pa mapigilan na ako ay mapahiya
Mga pangako na hindi ko matupad
Matapang ba ko o magiting na duwag
Minsan ang pag-iisip ko ay makitid
At kalimitan ang mga turnilyo ko ay maluwag
Madalas tayong magtalo
Kasi tingin mo sakin ay sang taong malakas lang na manggago
Kung usapang paungasan ay pambato mo ako’t
Sa sobra kong buwang tinuring mo pandayo
Pero kahit ako ay ganito ako’y buong linggong katabi mo
Kahit madami akong pagkukulang ay binibigay kong lahat
Ng dahilan para ako’y mahalin mo

(Chorus)

Ako ay walang kapantay sa pagkahari ng sablay
Ang katangian kong taglay sabi nila ang ibigin
Ako ay pagkakamali’t walang saysay
Kulang na lang ay uniporme at baril
Dahil magaling lang naman daw akong tagapag bantay
Taga laba’t taga sampay ako ang bakal mong saklay
At kahit na nasaan ka’y maglalakbay
Magmamahal hanggang paa ay magpantay
Maagnas man aking bangkay hanggang sa maging saklay
Tulog daw ako nung nagpaulan ng katinuan
Utak kong puno lang ng kalikutan
Kung sumagot at mangatwiran ay paling
At madaling mailto na parang pito pito’t kulang kulang
Kahit ako’y parang kulang sa buwan umarte
Alam ko ang mahalaga sa importante
Ang manakit ng babae alam mo na ako ay ignorante

(Chorus)

Kahit na may pagkaabonormal ako sayong mata
Pag umasta ay parang gagamba na na may walong paa’t
Laging tanong mo sakin ay ano ka ba?
Kapag kausap mo’y laging aligaga’t mukhang tanga
Animo ay isang maligno na nangangalumata
Kahit ganon mahal kita
Kaya kitang ibigin miski na hanggang limang paulit ulit ng buhay natin aking sinta
Sa puso ko’y walang ibang bisita ikaw ang siyang naimbita
Isipin mo ang isang katulad mo ay nahuli ko
Sa sobrang sugid ko sa ngalan ng pag-ibig siguradong bibilib
At malamang ay kiligin di lang ikaw pati si kupido
Panis si superman, si batman, spiderman, iron man sino pa man
Sa tulad kong stupido pag ika’y tuliro
Isang tawag mo lang alam mo naman ang aking numero

(Chorus)

Abaddon - Lesson Learned Lyrics

Napakaraming panahon at taon ang nasayang mga pagkakataong nauwi sa wala lang
Isang taong sakim, patapon at mayabang sa tuwing naglalakad akala mo’y napakatapang
Akala ko noon ay tuwid na daan kaya binabangga ang sino man ang nakaharang
Walang ibang batid at alam basta ang mahalaga lang sakin non magkaroon ng pangalan

Ang dami kong tropa mga kosang halang mga taong walang diyos mga boss na laham
Wala akong pakealam dahil parang pader ko si saddam at ako’y natuto ng mga galawang haram
Ako ay tambay walang pagrespeto non kay nanay binasura ang halaga ng oras na dumaraan
At uuwi lang ng bahay kapag wala ng pantagay pangyosi pangbisyo at ang sikmura ko’y kumakalam

Ako’y nagkamali
Ako ay nadapa
Ako’y nagpadala
Sa aking kapusukan
Lubos na nasiyahan
Na dala ng kamunduhan
Ngunit ngayo’y bumabangon lumalaban
Para ayusin ang nasayang

Ang suma total ay wala kong napala parang ang hirap bumangon sa masaklap na pagdapa
Ganito pala ang pakiramdam ng buhay na maraming kulang nagtitiis ka na lang kasi nga wala kang magawa
Wala kang pwede na maipagmalaki wala kang naipon kahit anong naitabi
Oo nga’t sobrang saya noon akala ko kasi lahat ay tama pero ngayon ay tanggap ko ng nagkamali kami

Ang dami kong pinagsisihan mga maling hakbang na hindi ko pinag-isipan
Pansariling interes na imbes pinagpaliban ay sya pang ilang beses ko na pinagpilitan
Ilang beses din akong pinagsabihan at ipinaglaban ko ang sarili kong katwiran
Sinuway ko si inay ako’y nagbingi bingihan kaya’t di ko narinig na “anak ko mali yan”

Heto ako ngayon pilit na umaangat nararamdaman ko kasi hindi pa huli ang lahat
Marami pa kong pwedeng magawa’t maging tunay na matalim pagbubutihin kung san mahusay at magaling
Bubuhusan ko ng puso at paglalambing ang mga dapat kong gawin lubos kong mamahalin
Pagsisikapan ko at sisiguraduhing di na muling sasablay at malakas ang loob kong meron na kong mararating

Positibong pananaw minsan ako’y pwedeng maging ikaw huwag lang tayong bibitaw
Dahil meron pang lilitaw na liwanag sa mga katulad natin na dati ring nagkamali at naligaw
Kahit sa ngayo’y malabo’t mabagal tuloy lang tayo mga tropa magtrabaho’t mag-aral
Huwag kang madadala, kung minsan ay nangangapa isipin mo hangga’t humihinga’y merong magagawa