Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

The Voysing - Tapat Mong Pangako Lyrics

Naaalala pa noong ako’y tinawag Mo
Hinango sa sanlibutan at kay gulong mundo
At kahit pa sa akin ma’y mga umuusig
Sa awa at sa tulong Mo’y hindi nalulupig

Lagi Kang nariyan
‘Di nagkukulang
Tangi kong inaasahan

Na papahirin Mo mga luha ko
Lilimutin Mo kasalanan ko
Lilinisin Mo itong puso
Babaguhin Mo
Kaya’t naghihintay sa tapat Mong pangako

Ngayo’y nagagalak kahit may dalamhati
Ang suliranin ay hinaharap nang may ngiti
At kahit pa sa aki’y may mga pumipighati
Hindi papipigil na sa Iyo ay magpuri

Lagi Kang nariyan
‘Di nagkukulang
Tangi kong inaasahan

Na papahirin Mo mga luha ko
Lilimutin Mo kasalanan ko
Lilinisin Mo itong puso
Babaguhin Mo
Kaya’t naghihintay sa tapat Mong pangako

Magtitiis, maglilingkod
Hinding-hindi mapapagod
Makikibaka, magpapagal
Hanggang sapitin ang Bayan Mong Banal
Banal…

Na papahirin Mo mga luha ko
Lilimutin Mo kasalanan ko
Lilinisin Mo itong puso
Babaguhin Mo
Kaya’t naghihintay sa tapat Mong pangako
(Repeat)

Pangako
Ngayo’y naghihintay sa tapat Mong pangako

Jovit Baldivino - Ang Iyong Pangalan Lyrics

Mula sa simula
Hanggang sa katapusan
Pangalan Mo’y walang hanggan, Oh Amang banal
Ang iyong lalang ay ‘di maikukubli
Purihin Ka, Oh Dios, ng pag-ibig

Ang Iyong salita ay napakadakila
Kanlungan ng katuwiran liwanag at gabay
Aming namamasdan kapangyarihan Mong likha
Luwalhatiin Ka, Oh Dios Amang Banal

Ang ‘Yong pangalan, ang una at huli
Sa’Yong pangalan lahat ng tuhod luluhod
Ang ‘Yong pangalan, aking sasambahin
Hari ng mga hari, Dios ng mga dios
Sa’Yo ang karangalan, Oh Kataas-taasan

Walang kayang ibayad kundi pasasalamat
Lahat ng biyaya sa’Yo nagmula
Mula sa’Yong wangis, kami Iyong hinubog
Kay palad ng tao Mong likha

Ang ‘Yong pangalan, ang una at huli
Sa’Yong pangalan lahat ng tuhod luluhod
Ang ‘Yong pangalan, aking sasambahin
Hari ng mga hari, Dios ng mga dios
Sa’Yo ang karangalan, Oh Kataas-taasan

Mga bituing nag-aawitan, kalangitan naghihiyawan
Pinupuri ang dakila Mong pangalan
Ikaw ang lakas sa lahat ng Iyong likha
Luwalhatiin Ka Ama
Pangalan Mo’y sakdal

Ang ‘Yong pangalan, ang una at huli
Sa’Yong pangalan lahat ng tuhod luluhod
Ang ‘Yong pangalan, aking sasambahin
Hari ng mga hari, Dios ng mga dios
Sa’Yo ang karangalan, Oh Kataas-taasan

Ang ‘Yong pangalan

Carlo David - Mula Sa Aking Puso Lyrics

Nais ko sanang awitan Ka ngayon, Panginoon
Di dahil panalangin ko’y tinugon kahapon
Nais kong sumamba ‘di rin dahil may problema na naman
Kundi sadyang ‘di ko lang maunawaan

Oh Dios ako’y nagtataka lang talaga
Kung ba’t sa’Yo’y gano’n na lang ako kahalaga
Oh Dios bakit ba?

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
‘Di ako mag-isa
At kahit pa no’ng una
‘Di Ka pa kilala
Ako’y inibig Mo na
‘Di ko alam ang dahilan
Gano’n pa man
Mula sa aking puso
Ako’y nagpapasalamat sa’Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

Bukod sa pagsamba may iba pa bang maaari kong gawin
Para man lang pasasalamat ko’y aking maiparating
‘Di man sapat ito lamang ang makakaya kong gawin
Panginoon, sana’y Iyong dinggin

Ako’y namamangha lang talaga
Kung ba’t sa’Yo’y gano’n na lang ako kahalaga
Oh Dios bakit ba?

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
‘Di ako mag-isa
At kahit pa no’ng una
‘Di Ka pa kilala
Ako’y inibig Mo na
‘Di ko alam ang dahilan
Gano’n pa man
Mula sa aking puso
Ako’y nagpapasalamat sa’Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

‘Di naman mababawasan ang ‘Yong kadakilaan
Kung ‘di Mo ko inibig, Oh Dios
Ngunit ika’y sadyang kakaiba
Karapat-dapat sa pagsamba
Pagsamba

Iniwan Mo ang langit
Para lang sabihing
‘Di ako mag-isa
At kahit pa no’ng una
‘Di Ka pa kilala
Ako’y inibig Mo na
‘Di ko alam ang dahilan
Gano’n pa man
Mula sa aking puso
Ako’y nagpapasalamat
Tanggapin ang awitin
Ito man ay hindi sapat
Panginoong Hesus, ang papuri ko’y alay sa’Yo
Salamat sa pag-ibig Mo

Sa pag-ibig Mo

JBK - Pag-Ibig Ka, Oh Dios Lyrics

Nagkulang ako sa pagsunod sa’Yo
Hindi karapat-dapat sa kabanalan Mo
Minsa’y naligaw na sa mundo
Pero niyakap Mo, niyakap Mo ako

Paulit-ulit nang nagkasala sa Iyo
Naging isang bulag sa mga kabutihan Mo
Gayon pa man Ika’y hindi nagsawa sa’kin
Inibig Mo pa rin ako

Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo
Pag-ibig Ka, Oh Dios

Tuwing ako’y nanghihina lalong nahahayag
Ang Iyong kapangyarihang sa’ki’y yumayakap
Biyaya Mo, Hesus, hindi mapapantayan
Magpakailanman, magpakailanman

Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo
Pag-ibig Ka, Oh Dios

Di mapapantayan dakilang pag-ibig Mo
Na inalay Mo sa isang katulad ko
Purihin Ka, Oh Dios, Aawit ako
Ihahandog sa’Yo ng buong-buo

Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi
Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo
Yakapin Mo ako
Pag-ibig Ka, Oh Dios
Pag-ibig Ka, Oh Dios…

Tim Pavino - Ikaw Lamang Lyrics

Sa’Yo’y lumalapit
Sa’Yo’y lumuluhod
Ikaw ang hinahanap
Puso’y ‘tinataas
Iyong gawing wagas
Ikaw ang tinatawag

Dalangin ko’y Iyong pakinggan
Pagkat ikaw lamang

Ang aking kailangan, aking kasagutan
Tinig Mo, Oh Dios, ang aking pinagmulan
Ikaw ang pag-ibig na sa akin ay lumapit
Ngayon at kailanman
Ikaw lamang
Ikaw lamang

Ang Iyong kamay
Ang tangi kong gabay
Kanlungan at ligaya
Sa’Yo’y ibibigay
Oh Dios itong buhay
Ikaw ang siyang pag-asa

Sa’king kahinaan, Ika’y kalakasan
Kaya’t ikaw lamang

Ang aking kailangan, aking kasagutan
Tinig Mo, Oh Dios, ang aking pinagmulan
Ikaw ang pag-ibig na sa akin ay lumapit
Ngayon at kailanman
Ikaw lamang
Ikaw lamang

Ikaw ang aking Ilaw
Ikaw ang siyang gabay
Ikaw ay pag-ibig, sa’Yo ay hihimlay
Ikaw ang aking Hari, Ama at Kaibigan
Makapangyarihan
Ikaw lamang

Ang aking kailangan, aking kasagutan
Tinig Mo, Oh Dios, ang aking pinagmulan
Ikaw ang pag-ibig na sa akin ay lumapit
Ngayon at kailanman

Ikaw lamang (4x)

Bugoy Drilon - God Will Always Make A Way Lyrics

We don’t have to worry
God will always find a way
We don’t have to worry
God will always make a way

Hey, how have you been?
I heard what you’ve been doing through
It’s really hard to deal with all the problems in this life
When you feel like you’re about to lose your mind
All you have to do is to sing this song aloud

We don’t have to worry
God will always find a way
We don’t have to worry
God will always make a way

Be greatful my friend
Whatever you’re going through
Get up and smile and never shrink from life
Remember, my friend, that God will never leave your side
All you have to do is to sing this song aloud

We don’t have to worry
God will always find a way
We don’t have to worry
God will always make a way

Free your mind from worry
Live a life of prayer
Free your heart from hatred
Live a life of love

Cause He’ll take care of you

We don’t have to worry
God will always find a way
We don’t have to worry
God will always make a way

We don’t have to worry
God will always find a way
We don’t have to worry
God will always make a way

God will always make a way
God will always make a way
God will always make a way

Jason Fernandez - You Stood By Me Lyrics

I didn’t know where I was goin
It was dark and raining
Stuck in the middle of nowhere
Feeling lost and full of fear

Then you found me
And you showed me the way

You stood by me
When my hope and faith were gone
You gave me strength to carry on
You stood by me
When everythin’ fell apart
You came to fix my broken heart

You stood by me
You stood by me

I was lying down and wasted
I was feeling so jaded
I’ve been struggling with depressions
Confused and full of questions
Then you reach for my hand
And made me understand

You stood by me
When my hope and faith were gone
You gave me strength to carry on
You stood by me
When everythin’ fell apart
You came to fix my broken heart
You stood by me

I know I don’t deserve
All your love and care
Because I always took you for granted
You gave me everything
Even though I keep on making mistakes

You stood by me
When my hope and faith were gone
You gave me strength to carry on
You stood by me
When everythin’ fell apart
You came to fix my broken heart

You stood by me
When my hope and faith were gone
You gave me strength to carry on
You stood by me
When everythin’ fell apart
You came to fix my broken heart

You stood by me
You stood by me
You stood by me

Zendee - Tanging Ligaya Lyrics

Lumalakad ng mag-isa
Inaakalang kaya ko na
Dusa’t lungkot lang ang nadama
Tuwa’t galak inaasam
Ng puso kong nagdaramdam
Saan kaya ako nagkulang?

Nang marinig ko ang pagtawag Mo
Sa dating buhay, Oh Dios, Iyong hinango

Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

Ngayo’y kasa-kasama na
Mga gabay Mong salita
Liwanag ay aking nakita
Salamat sa pagmamahal
Ang puso ko’y sobrang saya
Ikaw lang ay kumpleto na

Nang tinanggap ang mga katuwiran Mo
Sa aking buhay ngayo’y nagpupuri sa’Yo

Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

Dinggin Mo, Oh Ama
Himig ng pagsinta
Maglilingkod sa Iyo
Nawa’y tanggapin Mo

Sa sala ko’y Iyong iniligtas
Ng pag-ibig Mong walang hangga’t wagas
Sa awa Mo ako’y umaasa
Makapiling Ka’y tangi kong ligaya

Sa sala ko’y Iyong hiniwalay
Ng pag-ibig Mong dalisay at tunay
Ang awa Mo ang aking pag-asang
Sa paraiso Mo’y makapiling Ka

Ikaw ang ligaya

Kris Lawrence - Patawarin Mo Ako Lyrics

Patawarin Mo ako, Oh aking Ama
Ako’y nagkasala
Nahumaling ako sa kaway ng mundo
Nagkamali ako

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam
Patawarin Mo ako

Ngayo’y batid ko na kung wala Ka Ama
Ako’y tupang ligaw
Walang gumagabay, walang karamay
Sa’king pag-iisa

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam…

Patawarin Mo ako Oh aking Amang nasa langit
Narito ako nagbabalik, naninikluhod
Nangangakong hindi na lalayo
Pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan
Ayoko nang mawalay pa sa piling Mo, Ama
Kalinga Mo’y aking inaasam
Patawarin Mo ako

Ima Castro - Ikaw Pala Lyrics

Noon akala ko ang makapagpapasaya
Kayamanang dulot sa’tin ng karangyaan
Noon akala ko ang makapagpapasaya
Dami ng kaibigan at katanyagan sa mundo

Hanggang ako ay nalugmok, nawala ang lahat
At nang magbangon, Panginoon, Ikaw ang nakita

Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman, Hesus

Oo nga’t kailangan kayamanan sa mundo
Panandalian lamang ang lahat ng ito
Kaya’t salamat po Hesus, nakilala Kang lubos
Dahil ikaw ang kapayapaan, tunay na ligaya

Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
Ang tunay na kaibigan magpakailanman

Ngayo’y nadarama Kita sa aking buhay
Ang Banal na Espiritu na ngayon ay nasa’kin
Nasa akin…

Ikaw pala ang tunay na kagalakan
Aking Hesus, gabay ko at kanlungan
Ikaw pala ang tunay na katahimikan
Pangalang natatangi kanino man, Oh Hesus
Ang tunay na kaibigan Ikaw pala Hesus
Ikaw pala, ikaw pala…
Hesus

Moira Dela Torre - After Your Heart Lyrics

Bring me to the highest mountains
Bring me to the widest plains
Fly me to the skies above
I'd still call out Your name

Bring me to the deepest waters
Drive me through the longest roads
Take me away from these shadows
I'd still call out Your name
I'll stand firm and pray

Chorus:

Cuz I don't wanna go somewhere else
I wanna run towards You
I don't wanna look away
Cuz my eyes are fixed on You
I don't wanna live for someone else
Cuz You gave a brand new start
And these feet'll keep on going
I'm after Your heart

Bring me to Your love's chambers
Bring me in Your midst
bring me to the palm of your hands

Sail me towards the rising sun
Sail me through the rivers run
Spread my wings awide
And I'll still call out Your Name
I'd stand firm and pray

(Repeat)

Bridge:

Nothing else can satisfy, I'm after Your heart
To You alone, I give my life, I'm after Your heart
Cuz no matter where I go
No matter what I do
these feet were made to run after You
Only You

Sitti - Araw At Ulan Lyrics

Aral mong saway ay araw na gabay
Liwanag na taglay, kabutihan ang bigay
Iyong ebanghelio ay ulang pumupuno
Nang kagalakan ko at pag-asa ng puso

Kinakausap Mo ako sa Iyong banal na salita
Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa

Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas
Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas
Ito ay inihahatid ng ‘Yong araw at ulan

Nasisikatan ako ng araw Mo’t nawawasto
Itinutuwid Mo ang hakbang kong lumiliko
Ama, binubuhusan Mo ako ng ‘Yong ulan
Kaya lungkot at uhaw ng puso ko’y naiibsan

Kinakausap Mo ako sa Iyong banal na salita
Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawa

Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas
Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas
Ito ay inihahatid ng ‘Yong araw at ulan

Nahanap ang mabuting landas Mo
Pagkat ako’y tinawag Mo
Ito ang dakilang paraan Mo
Upang mailigtas ang katulad Mo

Ama, salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas
Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan
Ama, laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi nagwawakas
Ito ay inihahatid ng ‘Yong araw at ulan

Araw at ulan

Mela - Kumapit Ka Lang Lyrics

Ilang ulit na ring nadapa
At ang sugat tila malala
Ang dami ng pagkukulang
Hindi ko na mabilang

Magtiwala ka lang
Itawag mo sa kanya
Huwag kang mag-alala
Dahil nakikinig sya

Huwag kang bibitaw, kumapit ka lang
Huwag kang susuko, ipaglaban mo
Ang katotohanan, ituloy ang laban
Huwag kang hihinto, ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang Diyos na lumalang
Kumapit ka lang

Ngayong nandito ka na
Aatras ka pa ba? Wag na!
Tingin mo’y di makakaya
Palaging may pag-asa

Magtiwala ka lang
Itawag mo sa kanya
Huwag kang mag-alala
Dahil nakikinig sya

Huwag kang bibitaw, kumapit ka lang
Huwag kang susuko, ipaglaban mo
Ang katotohanan, ituloy ang laban
Huwag kang hihinto, ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang Diyos na lumalang

Maraming pagsubok man ang dumating
Tumuloy ka lang lahat ay lilipas din

Huwag kang bibitaw, kumapit ka lang
Huwag kang susuko, ipaglaban mo
Ang katotohanan, ituloy ang laban
Huwag kang hihinto, ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang Diyos na lumalang
Kumapit ka lang…

Huwag kang hihinto
Kumapit ka lang…
Kumapit ka lang
Huwag kang susuko
Kumapit ka lang…

Kumapit ka lang…