Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Crakky - Mainam Lyrics

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Ang dali daling gumana ang talab
Ng ngiti mo pag tinititigan kita ang sarap
Pangarapin ang katulad mo kapag kausap
Na kita handa kong magpuyat

Alam mo bang palagi na akong nag-aayos
Natutong alagaan yung sarili kasabay nun ay
Gusto kong magawa yan
Sayo lalong nainspira kaya wag kang magtaka
Kung bakit madali ko lang nasabi na mahal kita
Maganda’t di maarte kahit bossy yung dating
Ok lang kahit sabihin pa nilang uunderin
Di bale ang mahalaga ako ay mahal mo rin
Mapasaya ka lang pangako na lahat ay gagawin

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kapag kasama ka ayoko ng mablanko
Kasi gusto ko na mapangiti ka sa mga kwento ko
Hindi kita bibitinin laging papatawanin
Kasi misyon ko lang ay araw-araw kang pasayahin
Yung simple mong tinginan gusto kong iuwi yan
Ang cute kasi kaya mas lalo kong tinititigan
Ang sarap isiping magkahawak ang kamay
Naglalakad at tila di na maghihiwalay
Sabay tayong kakain palaging dadalhan kita
Ng mga paborito mo asahan di mag-iiba
Di ko sasayangin yung tiwala mong ibibigay
Basta sagutin mo lang yung lagi kong hinihintay

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kung saan saan ko na hinanap yung pag-ibig
Pero nung nakita ka nagbago yung paligid
Buong akala ko noon mahirap tong gawin
Mula nung nakilala ka iba na yung tingin
Palagi kang aalalayan di ko hahayaang
Pumatak ang luha sa mata mo kung kailangan
Nandito lang ako at isang tawag mo lang
Agad agad pupuntahan kita kung nasan ka man
Bukod sa ikaw ay nag-iisa asahan mong wala ka ng kahati
Para sakin di na titingin pa sa iba
Lahat tutuparin sagutin mo lang ng oo mo
Papatunayan ko sayong pag-ibig ko ay totoo

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

ALLMO$T - One Way (Official Lyric Video)

The official lyric video of "One Way" by ALLMO$T.

Composed by Angelo Luigi Timog, Rocel Dela Fuente, Clien Alcazar and Jomuel Casem
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Mark Beats
Arranged by Angelo Luigi Timog
Recorded by Angelo Luigi Timog, Rocel Dela Fuente, Clien Alcazar, Jomuel Casem
Music Produced at Rawstarr HQ
Mixed and mastered by Mark Beats

ALLMO$T - Bagay Tayo Lyrics

Bagay tayo
Bagay tayo

(Epee Bless This Beat)

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko
Sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay tayo - bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

Kanina ka pa kamo na tumatakbo
Dito saking isipan di ko mahinto
Tanging mga larawan mo
Ang gusto kung makita pagpikit ng aking mata sa panaginip ko
Ay meron tayong dalawa
Ayoko namang maging pantasya lang
Kung pwede naman nating tuparin ng magkasama talaga
Tayo lang
Sa paraisong naka tadhanang
Mapaibig saiyo ano pang hahanapin ko wala na
Mata mong sing kinang ng tala sa taas
Ako'y nadadala pwede ka bang mailabas
Punta tayo sa lugar kung san malayong magwakas
Ang kwento nating dalawa huwag nating ipagpabukas
Ayoko muling umalis ng mag-isa
Gusto ko saking pagbalik ay kasama na kita
Alam mo bang takot na akong mag mahal pa ng iba
Pero simula nung makilala ka'y nalimutan ko na

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko
Sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay tayo - bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

Oh! Alam mo ba na bagay tayong dalawa
Mahal na mahal kita hindi ko lang talaga sinasadya
Lakas na kasi ng epekto ng kagandahan mo
Di ko talaga inakala na magkakaganito
Ang tanging sarili ko
Sana'y pagbigyan mo na ko
Di ko talaga matiis ang pagmamahal ko
San man tayo mag tagpo
Ako ay nandito
Huwag ka mag alala basta kasama ka hanggang dulo

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko
Sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay tayo - bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

Alam mong sa tuwing ika'y aking nasisilayan
Agad ng mawawala ang pagod ko
Palaging hinahanap ang tamis ng yong ngiti
Sa tuwing ako ay binabalot na ng takot ko
Ikaw ang dahilan kung bakit na patuloy na
Ginagawa ang mga bagay kahit na magkamali
Tanging sayo lamang to maniniwala kahit na
Madami dyan na kung ano ano ang pinagsasabi
Susulitin mga oras na ikaw ang kausap
Kung makasama ka ay para bang nasa ulap
Hindi na nanaisin pang muling makahanap
Ng iba kasi ikaw ang sumagot sa pangarap
Di na mapagantay sa iyong pagdating
Basata't tatandaan mo lang kahit saan makarating
Merong nag sisilbing panata ang ikaw lang at ako
Pangako na kahit ano mangyare hindi lalayo

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita
Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata
Sa tuwing kasama mo ko
Sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay tayo - bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

Alam mo ba kapag andito ka
Bumibilis tibok ng puso at
Bakit ikaw ang laging nasa isip ko
Pagmulat ng mga mata
Ikaw ang hanap ko
Sa gabi ikaw ang nasa panaginip ko
Alam kong paulit ulit na lahat ng sinasabe ko kasi
Di ko mapaliwanag ang aking nadarama
Sana nga ay makasama na kita
Upang makita mo kung paano ako magpahalaga at magpakita na
Ikaw ako at walang iba ay bagay talaga
Kahit na ano mangyari basta't
Tayong dalawa ang magkasama
Yun lang ang mahalaga