Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Angela Ken - 365 Lyrics

Isang taon na naman ang nakalipas
Walang nagbago ‘yun pa rin ang gusto ko
Ikaw lang ang nais sa bagong taon at pasko
Walang pakialam sa ibang aguinaldo
Ang yong kaligayahan na gustong makamit
Kahit hindi na ako ang dahilan
Basta’t ang mga ngiti mo’y masilayan manlang
Buo na ang tatlong daan at anim na pu’t lima (356)

‘Di man perpekto ang konsepto ng “ikaw at ako”
Ngunit ang tanging hiling ay ang ngiti mo kahit ‘di na galing sa’kin

Ang pasko’y masaya kung ang puso ay payapa
Walang pait, walang sakit, puro tawa lang sa labi
Ang bagong taon ay kukumpleto kung ikaw ang nasa tabi ko
Ngunit malabo, oo malabong magka-tayo
Kaya namamasko na lang po