kung nakikita mo lang ang aking namamasdan
mapapawing lahat ng gulo sa iyong isipan
meron pa lang nilalang na papantay
sa bighaning taglay ng buwan
dala ay himbing gaya ng paboritong unan
kung hahayaan mo lang na ako ay mapagbigyan
ipapangako sa'yo kailanma'y 'di ka iiwan
hindi man tiyak ang dala ng paghihintay
lahat pa rin ay isusugal
hanggang ang pangalan ko ay maging pangalan mo
'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi na magkakamali
kung sa iba mababaling ang iyong pagtingin
walang ibang masisisi kundi aking sarili
puno man ng kaba ang damdamin ko
kalabanin man ako ng buong mundo
gusto ko lang namang patunayan sa iyo
na ang isang tulad mo ay tinatangi ko
'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi na magkakamali
'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi
alam kong ngayon hindi
alam kong ngayon hindi na magkakamali
I Belong to the Zoo - Hopia Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 12:31:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment