Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Weigibbor Labos - Susunugin Ko Na Ang Lahat Ng Pahina Lyrics

Verse 1:
ngayo'y sarado na
oh eh ano pa ba?
natapos narin ang
paghihintay ko sa wala

gusto kong pintahin
ang aking damdamin
librong puno ng litrato
ay nasusunog na

Pre-chorus 1:
kailan ako na masasanay magisa
kailan ko ba mapupunan ang puso kong
naliligaw
at gusto ng sumigaw

Chorus:
susunugin ko na ang lahat ng pahina
naliwanagan na ngayon ay magisa oh
lahat ng salitang sinabi moy
nabura
abo na lang sa hangin natira


Verse 2:
puti na at itim
ang paligid natin
kahit pilitin
tadhanang tayo ay magdilim

kung may nagkulang ba
walang magagawa
kahit habulin ka hindi alam san pupunta

Pre-chorus 2:
kung hahawakan ka? babalik ka ba?
kaya hahayaan ko na maglakad ka na
na magisa
at magsimula sa umpisa

Chorus:
susunugin ko na ang lahat ng pahina
naliwanagan na ngayon ay magisa oh
lahat ng salitang sinabi moy
nabura
abo na lang sa hangin natira

Chorus 3:
alam mo ba na ikaw ang aking pahinga
ngayon na natapos ay saan na hihinga oh
mga salitang sinabi natin ay burado na
wala ng ni isa na natira

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment