Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Yuridope ft. Skusta Clee - Bawal Lyrics

Yuridope ft. Skusta Clee - Bawal Lyrics

Di lahat ng bagay makukuha mo
Kahit na anong gawin mo walang nagbabago
Pinipilit mo naman kaso mas lumalabo
Ano bang pwede kong gawin para maging tayo?
Ano ba tayo?

Kase pwede kang yakapin minsan
Kung minsan ay pupwede din kitang mahalikan
Pero di ko alam kapag umalis ako sa inyo
Kailan ba kita pwedeng balikan
Andami sating nakatingin o bat ka naiilang?
Yung gantong sitwasyon natin ay hanggang kailan
Ano bang paraan para ika’y maangkin nang
Walang iniisip na rason at dahilan
Ayoko na sa kanilang magpaliwanag na hindi kita
Nakakasama gustong isiwalat kung ano ang meron satin
Mas mabuting maliwanag na para naman magawa na
Kitang maipaglaban kaso pano mangyayari kung ayaw mo mapag-usapan
Di lang ikaw pati ako mahihirapan
Ano bang plano mo pwede ko bang malaman
Hindi mo ba kayang sabihin ng harapan
Gusto kong maayos na kung ano ba tayo?
Mahirap mangapa lalo kung ganto kalabo
Yung tayo, alam ko naman at hindi ako nagkakamali
Tama ba? Mahal mo na ako (Tama ba?)
Kaya anong problema, bakit kailangan nating magtago
Halata naman yung pruweba na may namamagitan sating dalawa
Gusto ko nang solusyonan para wala nang dilemma

Kasi kung pepwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan
Kung pwede lang, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang
Kung pwede lang kung pwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang
Kung pwede lang


Edi sana ay walang ganto di ako nagtatampo
O nag-iisip paggising ko, pag gising mo?
Sa isip mo ano tumatakbo
Bakit kailangan na gawan ng palusot
Kung ano bang mga satin lahat aking tinatanggap
Kahit nakakalungkot na’t nakakadismaya
Kahit pano ako’y nagagalak
Kahit unti-unting wasakin ng mga nangyayari
Di iintindihin basta ika’y mapapasakin
Kung ako lang masusunod para satin di na magiging
Pagkakamali mga tamang hangarin ko
Para sayo ang akin lang naman ayaw kita na mag-isa
At malungkot kahit ako ang malugmok hayaan na
Ang gusto ko lang naman sana ay maging mahalaga ako sayo
Lahat ng to, mga ginagawa ko para lang mapasaya ka kahit papano
Habang hindi pa klaro kung ano ba talaga ang meron tayo
Wag mo na ko paglihiman wag mo rin saking itago
Na kaya mo naman talaga kahit na mawala ko
Matuwa na muna tayo kung anong meron ngayon
Kung sasaya ka sa iba balang araw okay na yon
Di kita para pagdamutan sa mga bagay na yan
Wag mo lang madaliin para hindi ka masaktan
Kasi mahirap kang tingnan na ang ngiti di totoo
Lalo kung alam kong di ako yung sayo bubuo
Kaya ayos lang muna kung ngayon panakip lang ako
Pero pangako di ako magiging balakid sayo
Kahit pa sobrang sakit na kapag nalapit ako
Hinding hindi ako mangungulit sayo
Di ko kakalimutan kung hanggang saan ating limitasyon
Kahit na gano pa kita kagusto

Kasi kung pepwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan
Kung pwede lang, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang
Kung pwede lang kung pwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang

Kasi kung pepwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan
Kung pwede lang, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang
Kung pwede lang kung pwede lang
Edi sana tayong dalawa’y hindi na nasasaktan, kung pwede lang
Ginawan ko na ng paraan dahil mahal kita, mahal kita
Ayaw din kitang nasasaktan kung pwede lang, kung pwede lang
Kung pwede lang…

Kung pwede lang

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment