Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Cup of Joe, Janine Teñoso - Tingin Lyrics

Cup of Joe, Janine Teñoso - Tingin Lyrics

Dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan

Mga saglit na inilikha, kakaibang tama
Ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi
Oh, sa'n ba 'ko dinadala?
Bawat ngiti, biglang nabura iyong naipinta
Hiwaga ng 'yong tingin nang-aalipin
Kahit sa'n man madala

'Di pinapansing ingay sa tabi
Magulo kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan

Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan
Walang imik, 'di mabanggit
At sa aking isip ikaw ang nagmamarka
Kahit mabitin aking salita, mata'y ibinubunyag na
Sa'yo lang magpapaangkin, 'di palalampasin
'Wag ka sanang kumala ('Di mawawala)


'Di pinapansing ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ako'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan

Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh

'Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin
'Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin

'Di pinapansing ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan
'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment