Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Arthur Nery - Nasa'king Damdamin Lyrics

Parang kay bilis naman nating
Nawalan ng gana
Araw, dapithapon
Magdamag kang
Hinahanap sa pagbangon

Mas pipiliin ko pang punasan
Ang kasinungalingan mo sa ‘yong labi
Kesa sa ‘di tapat mo na luha

O tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
‘Di naman ako ang ‘yong kahati
Sana ‘di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa ‘king pag-ibig

(Ang nasa ‘king damdamin
Ikaw lang)

Oh dito lang naman nakatutok
Bakit parang lahat ay gumuho
Habang ako’y kumakapit
Nangangawit na rin


Sa ‘yong alaala
Na parang naiipit
Hanggang kelan muli ang huling sandali
Sa’n na ‘ko uuwi

O tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
‘Di naman ako ang ‘yong kahati
Sana ‘di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa ‘king pag-ibig

‘Di naman sa ‘di na nais
Na minamahal…
Sadyang ‘di mawaring

Lumipas ang sa ‘tin

Saan ka hahanapin



Nasa ‘king damdamin lang lahat (ohh)

Ba’t ‘di mo ‘ko dinggin (ang nasa ‘king damdamin)

Nakakaabala ba ko sa ‘yong

Mga panalangin



‘Di naman sa ‘di na nais na dinadasal, ohh

Wala na ngang sa ‘tin

‘Di kinaya ng dalangin



Parang kay bilis naman nating
Nawalan ng tahanan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment