Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Tanikala, MICZ - Dyamante Lyrics

Tanikala, MICZ - Dyamante Lyrics

aYo ‘di alam ng karamihan kung bakit ako naparito no
Para pakilo ko dalang estilo ko no

Kundi para maipakita sa hila ng hila
‘Yong hirap kung ga’no kahirap makita
Kumita yung bisa ng rima bago ko nakita
Minina ko

Batang naghingalo bagang naging abo
Para maging ako bawat paghinga ko
Ang daming humarang
Pagsalang ngunit punit na ‘ko
Utak pugita ‘to bulag sa tinta ko
‘Yong mga yumamang yumabang sa rap
Ooohh

Kala nyo ba pagsampa
Pagkapa ng katha madali
Magtangka magtahe ng kanta
Magapi man wala ‘kong paki
Magtiyaga sa wala mangapa madapa ay sanay na kami
‘Di para sa tapwe para magka-plake
Sanay kaba p’re na si tanikala ay sinasantabi
Ngayon ako naman ‘yong magpapatabi

Dyamante purong natural ang sinasabi
Mga sulat lirikal kaya kampante
Ang batang dating sinakal ‘di na madale
Dyamante lumaya sa mundo no’ng disinuebe
Dati buhay kritikal ngayon abante
Lahat ng papakita ko tiyak tunay na dyamante

Buti na lang ‘di ko ‘to sinukuan
Ang daming hintuan
Parating magulang nakakatampuhan
Para ang hantungan aking makilusan
Ang dami ko ring pagkukulang
Kati sa bunbunan kadenang tali sa kulungan
Hapdi ng kanti ng kulungan naging katabi ko sa unan
Gamot sa sakit ng bunbunan


Kaya ‘di pa rin matauhan
Kahit maraming magulang
Sanay na kasi mawalan ng paki
Mawalan ng laman ang suksukan
‘Di man umangat kalaunan
Dala pa rin ang natutunan
Sakit lang kasi kapatid na muslim pa mismo
Sa ‘yo ang manggugulang

‘Di ko balak manakit
Pasensya kung ako ay makasakit
Gusto ko lang pabatid sa ganid magingat kayo kapatid
‘Wag papasilaw sa sikat ng ilaw
Kasi baka dyan ka ma-ihaw
Ang sumbat malinaw
‘Pag nagkalabuan na sa kita
Wala ka ng hati ikaw pa mali
Nakakasamid

Dyamante purong natural ang sinasabi
Mga sulat lirikal kaya kampante
Ang batang dating sinakal ‘di na madale
Dyamante lumaya sa mundo no’ng disinuebe
Dati buhay kritikal ngayon abante
Lahat ng papakita ko tiyak tunay na dyamante

Tahimik akong bumalik
Nagmaneho ‘di nanabik maging miyembro
O humalik balikan ang impyerno
Upang sumikat na rin oh
Para kumita ng peso
Ochenta porsyento ang cut nya sa presyo
Kawawa yung preso
Eh kayang-kaya namin ‘yang kitain
Ng ‘di ka producer kasama si Elo

Tatlong taong nagpakatuta
Gano’n na lang ‘yon wala man lang kusa
Kahit pa ambon ano ‘to parusa
Lunod sa balon

Tatlong taon wala ‘kong nakuha
Ako pa ngayon masama o nanduga
Ikaw ‘yong leon na nanghamak sa pusa
Kinaya mo ‘yon

Kaya ‘ko palaging kampante
‘Di tumitigil sa biyahe
Kaya pagsisikap higit sa sumikat
At kung pinulikat abante para alam din ng marami
Bakit malayo sa dati
‘Di mo nakita ang hirap
Kaya ‘wag sumali kung ‘di ka kasali

Dyamante purong natural ang sinasabi
Mga sulat lirikal kaya kampante
Ang batang dating sinakal ‘di na madale
Dyamante lumaya sa mundo no’ng disinuebe
Dati buhay kritikal ngayon abante
Lahat ng papakita ko tiyak tunay na dyamante

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment