Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Gloc-9 and Thyro Alfaro - Kagat ni Eba Lyrics

Gloc-9 and Thyro Alfaro - Kagat ni Eba Lyrics

Aasa, maniniwala
Sasama sa ngalan ng pagmamahal
Dinaya kahit nagparaya
Kinaya kahit pa sinasakal

Mahuhumaling sa maamo mong mukha
‘Di akalain na sa ‘yo magmumula
Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit
Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit

‘Pag gumanti si Eba
Kahit ahas ay aamo
Gusto mo ng pruweba
Katinua’y maglalaho
‘Pag gumanti si Eba
Lahat ng malinaw lalabo
Simula na ng gera
‘Pag gumanti si Eba
‘Pag gumanti si Eba
‘Pag gumanti si Eba

Pinitas ka na parang mansanas sa puno
Binuhusan ng yaman
Binalutan ng luho
Kastilyong buhangin na sa alon gumuho
Sa wagas na sumpaan
May isang sumuko


Ikaw ay pinapaniwala na aalagaan
Lagi kang iingatan hindi ka papabayaan
Matitinik na rosas sa ‘yo ay pinapatapakan
Dahil wala nang totoo sa hardin ng bulaan
Kahit ang pako ay nasasagad
Ang duwag pumapalag
Gapos ay nakakalag
Lason ay tumatalab
Liham ay nagliliyab
Haligi ma’y natitibag
Alaalang parang salamin nagkabasag-basag

Hinayaan mo kasing uhaw
Naasiman na sa lahat ng mga pangako mong hilaw
‘Di mo inakala na siya mismo ang tutuklaw
At ang siyang magtatapos sa ang nagsimula ay ikaw

Mahuhumaling sa maamo mong mukha
‘Di akalain na sa ‘yo magmumula
Ang hapdi sa latay at haplit ng iyong galit
Nakakubli sa bango at kagandahan mong gamit

‘Pag gumanti si Eba
Kahit ahas ay aamo
Gusto mo ng pruweba
Katinua’y maglalaho
‘Pag gumanti si Eba
Lahat ng malinaw lalabo
Simula na ng gera
‘Pag gumanti si Eba

Aasa, maniniwala
Sasama sa ngalan ng pagmamahal

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment