Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Fitz Shioda - Tingin Lyrics

Fitz Shioda - Tingin Lyrics

Ika’y pumasok sa silid
Lahat sila’y napatitig sa’yo
Pero biglang
Sakin ka tumabi
‘Di ko alam anong gagawin ko

Bigla nang bumilis ang pagtibok
Ng puso
Nahuhulog na yata ako sa’yo (sa’yo)

Kay tamis ng ‘yong tingin
Tila umibig bigla ang damdamin
Kay tamis ng ‘yong tingin
Sa akin

Huwag kang ganyan
‘Di ko kinakaya
Pero sige na nga
Mamasdan din kita

Ngiti’y bumalot sa mukha
‘Di maitago ang nadarama
Huli mo ang bawat kiliti
Tila’y hahanap-hanapin ka na


Nararahuyo sa bawat segundo
Mundo’y umiikot na lang sa’yo (sa’yo)

Kay tamis ng ‘yong tingin
Tila umibig bigla ang damdamin
Kay tamis ng ‘yong tingin
Sa akin
(Woah)
Kay tamis ng ‘yong tingin
O iibigin kita ngayon din
Kay tamis ng ‘yong tingin sa ‘kin

Huwag kang ganyan
‘Di ko kinakaya
Pero sige na nga

Mamasdan din kita
(Mamasdan din, mamasdan din, mamasdan din kita)
Mamasdan din kita
(Mamasdan din, mamasdan din, mamasdan din kita)

‘Wag kang ganyan
‘Di ko kinakaya
Pero sige na nga
Mamasdan din kita

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment