Paruparo,
Kay gandang pagmasdang paruparo.
Hiwagang taglay ng anino,
Kay nining ng labi, oh paano?
Paruparo,
Kay gandang pagmasdang paruparo.
Ngiting mala-bituin oh kanino?
— Tamis na nagmula sa'yo
Namumulaklak, sayang namumukadkad,
Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan,
'Di mapapantayan, 'di mapapalitan.
Dalhin mo ako sa dilim,
Sa tagong palasyong nasa salamin.
Oh dalhin mo ako sa dilim,
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin.
Paruparo,
Kay gandang pagmasdang paruparo.
Init ng mga kapit mo,
Oh dinadala ako.
Namumulaklak, sayang namumukadkad,
Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan,
'Di mapapantayan, 'di mapapalitan.
Dalhin mo ako sa dilim,
Sa tagong palasyong nasa salamin.
Oh dalhin mo ako sa dilim,
Habang dahan-dahang mundo'y angkinin.
Oh tila paulit-ulit,
Mo akong inaakit.
Kaya't hayaang ika'y dalhin,
Sa kalawakang 'di napapansin.
Lapit, init, lambing sa'yong kapit,
Mga mata'y tila sa aki'y umakit.
Ikaw ang una, gitna, at hulihan,
Hanapin ang diwa magpakailanman.
Lambing ng 'yong hangin,
Ikaw ang aking munting dalangin.
Lunurin sa'yong kahiwagaan,
Puso'y wala namang kalaban-laban.
Ikaw ang binhing pinaninindigan,
Kahit guniguning 'di maintindihan.
Home »
JC Herrero
,
OPM Songs
,
Paruparo
,
Paruparo by Sugarcane
,
Paruparo Lyrics
,
Sugarcane
» Sugarcane ft. JC Herrero - Paruparo Lyrics
Sugarcane ft. JC Herrero - Paruparo Lyrics
|
Posted by OPM Songs
Posted on 10:18:00 AM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment