Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Jekkpot ft. Jnske x JRoa - Kapit Lang Lyrics

Jekkpot ft. Jnske x JRoa - Kapit Lang Lyrics

Alam ko din na marami kang problema
Halos tawagin ‘tong dilema
May ubo tapos makapit pa na plema
Hilaw ka pa pero bulok na sa sistema
Ganyan talaga ‘wag magwawala
Buti buhay ka pa ‘yan ang mahalaga
May oras talagang ikaw’y mag-iisa
Pati sa’yong mantika ay magigisa
Nang hindi sinasadya ikaw’y biglang madadapa
‘Yung liwanag didilim mapipilitang mangapa
Kahit buksan mo ang mata hindi mo mahahalata
Kung hindi mo sasaingin ang bigas na malata
Nakaka-badtrip na ‘yung mga ganitong eksena
Bakit ba naimbento kasi ang pera?
Nais nang lumipat ng ibang planeta
Kapit lang ‘yan ang panibago na meta

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Sige, sulat lang sa bawat pahina (Pahina)
Kulayan mo bawal magpahinga (Pahinga)
Kung ayaw mo sige, ‘di sa’kin na
Tapos panoodin mo at wawasakin na (Sakin na)
Ang entablado kung sa’n imbitado
Bigay ang todo kahit na konti ang tao
Kuntento na kasi ikaw ay naparito
Sa laban mang ito ako ay naiprito
Kapit lang babawi tayo
Dapat konting praktis pa para manalo
Idoble pa ‘yung acting at ‘yong isapuso
Hanggang sa maging superstart ka na’t umuso
D’yan kasi nagsimula sa dati din nagmula
Ngayon may bago ng tula
Sabay nating ibuga tara ‘wag ng mahiya
Wala mang title ang kanta mong ginawa, ey

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Sipagan mo lang palagi
Kahit wala pang nangyayari
Higpitan lang ang iyong kapit
Matutupad din ang lahat ng ninanais
Tibayan mo lang palagi
Kahit ano pang mangyari
Tandaan lang na laging
Sa dulo ng ulan ay mayroong bahaghari

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Kumapit ka lang
Kumapit ka lang
Kumapit ka lang

Kumapit ka lang
Kapit ka lang
Kumapit ka lang

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment