Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Yumi Lacsamana - Pundi Lyrics

Yumi Lacsamana - Pundi Lyrics

Ang dami nang pinalipas
Kay dalas na ngang umiwas
Sige na, hayaan na
Wala namang mapapala

Ang dami nang kinalimutan
Mga munting kabiguan
Hindi na pinalalaki
Sa damdamin ay kinukubli

Ngunit may hangganan din
Ngayon ang puso’y ‘di susundin

Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

‘Di matuyong unan at kumot
Mula sa luhang lihim na binuhos
‘Di ko na kikimkimin
Ngayon ang isip na ang diringgin

‘Pagkat may hangganan din
Ngayon ang puso’y ‘di susundin

Maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

Ang pagdilim ng ilaw natin ay
May kaliwanagan palang hatid
Ito’y hindi mali’t bulaang kabalintunaang
Kay tagal ko nang batid


Dahil maging ang ilaw ay napupundi
Nawawalang unti-unti
Gasera ma’y ‘di laging may sindi
Iniihip ng hanging kay dali
Parang pag-ibig na dating kay tamis
Ngayo’y napapawi na nang kay bilis

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment