Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Sixth Threat ft. Apekz - Kulisyon Lyrics

Sixth Threat ft. Apekz - Kulisyon Lyrics

1st verse:
may umaalulong...
ano nga ba yaong
kahulugan na gustong paabot nung malutong nyang pabulong
kaya ko ba to? naguguluhan nako kung
sasapat ba tong nabuo kong bara para makatugon, yoko ng tumungtong ng biglang humakbang pasulong tara
tanaw ko na entabladong andun hala
dahan dahan nalang nawala yung kaba
di ko hahayaang magmukha lang muntanga kabisado ko na yung dala
mga hiyawang malutong aba
laban sa laban na to kumbaga
di bale nalang kung pasado
ba sainyong mga naisulat
ko bahala nalang kayong maki kumbaya
palaging nakatodo, kahit minsan masabihan linya’y tila pa konyo,
kahit anong bitbit basta’t mabisa ay oto-matic na maiiwan bilang pinakamatibay sa trono
sige nga sige nga labas mo lahat ng baon
sige nga sige nga sayang din naman yung utak mong piga na piga kung balot ka ng hiya , tama na yung ka kekesyo dibdib mo dinadaga, tingala!

di na para isa sa himala !!!
daanin ba sa chamba? (nope)
daanin mo sa ganja,
di manatili kang kalmado
alisin yung pangamba
kontrolado mo na to
idiin mo pa ng
maging sagad sa kundisyon

HOOK:
sagad sa kundisyon
sapagkat may kulisyon
sagad sa kundisyon
sapagkat may kuisyon
sagad kundisyon....

2nd verse:
salpukan na agad walang marami pang tanong
hindi yung ipong kakagat pag panis na yung hamon
kung talagang palag palag magsalita kana ngayon
o baka nawalan na ng bayag parang hapit na pantalon tara
nakahanda na sandata pati bala at sasagasaan ang mga barikada
galing hilaga na nadiskubre parang kayamanan na nakaekis sa mapa
tiwala sarili ensayo ng maigi walang atrasan pahabaan ng pisi
sa larangan pataasan ihi pag ako ang napili
parang nakulong kasama umaalulong na tigre
makatang laging paahon pwede magbarong pero di makakahon ganon kasimple
omsim pre!
ito ay sining kaibigan
bawal ang pilit baka sabihin madaling lang
mas pipiliin ko ang maging pihikan keysa gumawa ng linya na hindi pinagisipan
ouch!
parang sinindihan pipa pinakagutom nananatiling masiba
mga balat sibuyas nagiiyakan sa tira ay gigisahin sa sariling mantika
pang kometa ang bagsakan kaya parang mga talang nagbanggaan
ramdam haggang kalawakan kala mo nagretiro kasi walang kalaban laban
wala ng preno tabi baka masagasaan
bakit iiwasan ang mga nakahambalang di ko na kasalanan kung may bayag na matapakan
nagpaalam sinadya mong humarang sa'kin daanan

HOOK:
sagad sa kundisyon
sapagkat may kulisyon
sagad sa kundisyon
sapagkat may kuisyon
sagad kundisyon....

3Rd verse:
I can never be the most viewed I know, bilang lang kasi’ng namulat
and my tracks arent for attracting views saktong mga baray rekta sa utak
shiii
pag nilatag mong rap, deep
samantalang pag tungkol, sa weed at sex
ma-tik, pamihado na yaong mas click
'lam nyo yung mas nakakapikon tong mga bagong pasok ibang klase
kung hindi rakista, vlogger o kung ano ano pano sa genre itinatae
tila andami, dami na nga nilang naki
singit pagkat akala'y instant moneyyy.
habang sila lang din yung kumukutya sa hiphop dati,
nung wala pang fliptop, grabe
talagang masakit pag nagbabanggit
o baka'y nakakalimot kayong RAP hango sa katotohanan na mapapait
kapalit, nakamit respeto ang balik
pagbaba ng entablado
at magiging lakas na aking pagkukunan dala dala saking susunod na pag panhik

HOOK:
sagad sa kundisyon
sapagkat may kulisyon
sagad sa kundisyon
sapagkat may kuisyon
sagad kundisyon....

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment