Ang ‘yong bisig
Ang sandalan
‘Pag nangangawit na’ng walang hintong isipan
Ang ‘yong tinig
Ang takbuhan
Kapag walang ibang gustong mapakinggan
Ikaw ang aking palagi
Ako’y iyong kakampi
At kung sa hirap ay abutin
Basta ba’t magkatabi
Bukas, ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa 'yo, o irog
At mga diwa natin ay ‘di na mawawalay
Ikaw ang aking katahimikan
Kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan
Kahit nga ang kadiliman,
Kapag ikaw na ang ngumiti, matatabunan
Bukas, ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa ‘yo, o irog
At mga diwa natin ay hindi na mawawalay
Matatapos din ang pangungulila kong ito
Ilang tulog na lamang ang bibilangin ko
Ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa yo, o irog
At mga diwa natin ay, mga puso natin ay hindi na mawawalay
Home »
Ben&Ben
,
Ilang Tulog Na Lang
,
Ilang Tulog Na Lang by Ben&Ben
,
Ilang Tulog Na Lang Lyrics
,
Latest OPM Songs
,
OPM Songs
» Ben&Ben - Ilang Tulog Na Lang Lyrics
Ben&Ben - Ilang Tulog Na Lang Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 5:25:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment