Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Midsummer - Tayo Pa Ba Lyrics

Ito na ba ang kahinatnan
Ng distansya nating dalawa
Gabi’y puno ng alitan
Mga maling laging binabalikan

Panaho’y tila walang hanggan
Paghihintay na walang katapusan
Pag-alala’y ‘di mabigyang kabuluhan
Pag-ibig mo’y ‘di madarama

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Gusto kitang yakapin
Gusto kitang maramdaman
Magkabilang mundo ating pagitan
‘Di pa siguradong babalik ka pa

Gusto kitang kausapin
Gusto kitang mapakinggan
‘Di manlang magawang ako’y bigyan ng oras mo
Puro teka, puro mamaya, hanggang sa makalimutan

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Sa iba ka na masaya
Paano mo nakaya (Ngumiti kahit wala ako)
Paano mo natitiis
Habang ako’y pilit lumalaban
Sa pag-ibig nating dalawa

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Sabihin mo,
Whooaaaah…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment