Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jeffrey Querubin - Kaya Mo 'Yan Lyrics

Kaibigan parang ika’y nababahala
‘Di ko masilayan ningning ng iyong mga mata
Sa iyong ngiti’y lungkot ang nadarama
Andito lang ako kung ika’y may problema

Kaibigan kung ika’y nahihirapan
Huwag sumuko, patuloy lang iyong paglaban
Sa buhay mo bagyo’y malalampasan
Pagka’t ang Ama ay palaging nariyan

Kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan
Ang buhay ay sadyang ganyan hindi maintindihan
Hindi malaman tunay na dahilan
Ang hirap at pasakit na iyong dinaramdam
Patungo sa landas na iyong inaasam
Basta’t isipin na
Kaya mo ‘yan
Kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan

Kaibigan hawakan mo aking mga kamay
‘Di kita iiwanan sa iyong paglalakbay
Magtiwala ka, ang Ama ang gagabay
Saan man mapunta ang iyong paglalakbay

Kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan
Ang buhay ay sadyang ganyan hindi maintindihan
Hindi malaman tunay na dahilan
Ang hirap at pasakit na iyong dinaramdam
Patungo sa landas na iyong inaasam
Basta’t isipin na
Kaya mo ‘yan
Kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan

Pukawin ang sugat sa puso mo
Magtiwala na ito’y muling mabubuo
Sa paghubog ng iyong pagkatao, oooh

Kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan
Ang buhay ay sadyang ganyan hindi maintindihan
Hindi malaman tunay na dahilan
Ang hirap at pasakit na iyong dinaramdam
Patungo sa landas na iyong inaasam
Basta’t isipin na
Kaya mo ‘yan
Kaya mo ‘yan
Kayang-kayang kaya mo ‘yan

Ang buhay ay sadyang ganyan hindi maintindihan
Hindi malaman tunay na dahilan
Ang hirap at pasakit na iyong dinaramdam
Patungo sa landas na iyong inaasam
Basta’t isipin na
Kaya mo ‘yan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment