Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Rhyne - Gagawin Lang Lyrics

Walang kadala-dala, tinuloy ko pa rin kahit ilang beses nadapa
Hanggang sa’king makapa, ‘di ako titigil hanggang magamay at mapasakamay ko na
Lahat ng mga ninanais at mga hilig
Suntok sa buwan lahat ng to’y makakmit ko din
Alam kong ‘di madali pero sasagarin
Kahit marami ang mata sa’king nakatingin
Tinuloy-tuloy ko lang kahit walang kasiguraduhan sa mga mangyayari
Mabigat man ang pasanin sige lang sa paglagari at magbabakasakali
Na sana ay makaisa ko kahit na malabo sa ngayon ay ‘di na bale
Tuloy ang byahe hindi titigil at

Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Itutuloy ko pa rin hanggang sa aking makapa at ‘di ko hahayaang manatili sa baba
Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Alam ko naman na ‘di madali lahat-lahat ngunit darating din ako sa dulo’t aangat

Bakit ko pa ihihinto kung nakakamit, kung kelan natatapik na ang aking mga pangarap at ako’y nakatawid
Na kahit paano’y nakalipad sa may himpapawid
‘Di nagpadaig sa pakiramdam, mga paa’y nakatapak lamang sa sahig
Kahit alam kong mahirap ang byahe sa katamaran ay ‘di nagpatali
Naging gutom lang sa aral palagi ‘di ko ugali na maging kampante
Ang aking ruta laging paabante, derederetso pa rin aking byahe
Wala na kong balak huminto oras ay ginto
Dahil sa kalye nagmula ‘to
‘Wag na magtaka kung ba’t determinado
Mga karanasan ang dahilan kung ba’t mas lalo ko pang sinipagan at hindi nagpadehado
Tanging sa kalye nagmula ‘to ‘wag na magtaka kung ba’t determinado
Ngayon alam mo na ang dahilan kung ba’t mas lalo ko pa sinipagan at kung bakit tyinaga ko

Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Itutuloy ko pa rin hanggang sa aking makapa at ‘di ko hahayaang manatili sa baba
Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Alam ko naman na ‘di madali lahat-lahat ngunit darating din ako sa dulo’t aangat

Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Itutuloy ko pa rin hanggang sa aking makapa at ‘di ko hahayaang manatili sa baba
Gagawin lang ang hilig
Gagawin lang ang hilig
Alam ko naman na ‘di madali lahat-lahat ngunit darating din ako sa dulo’t aangat

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment