Pareho lang tayo
Naghahanap ng kublihan kung saan tayo’y tanggap
Ang magmahal ng hindi kailangan magpanggap
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Tinatakasan ang mapanghusgang mundo
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan mo
Kahit na di natin alam ang bukas
Kahit di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit hindi umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan
Nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig
‘Di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pareho lang tayo
Naghahanap ng makakapitan
Mahal kang totoo
Walang panghuhusga at tanggap ka ng buo
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Maiiwasan ba ang lupit ng mundo?
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan
Sapat na yan
Kumapit lang…
Kahit na di natin alam ang bukas
Kahit di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit hindi umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan
Nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig
‘Di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Home »
Latest OPM Songs
,
Moira Dela Torre
,
OPM Songs
,
Pag-Ibig ang Piliin
,
Pag-Ibig ang Piliin by Moira Dela Torre
,
Pag-Ibig ang Piliin Lyrics
» Moira Dela Torre - Pag-Ibig ang Piliin Lyrics
Moira Dela Torre - Pag-Ibig ang Piliin Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 11:21:00 AM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment