Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

This Band - Liwanag Sa Dilim Lyrics

Ituring ang iyong sariling
Tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Kampanang yayanig
Sa bawat nilalang
Magigising ang lupang
Kulang sa dilig

Ikaw ang magsasabing
Kaya mo ‘to
Tulad ng isang tanglaw
Sa gitna ng bagyo

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Ikaw ang liwanag

At sa paghamon mo
Sa daloy ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan
Oh oh oh…

Ikaw ang aawit ng
Kaya mo ‘to
Isang panalangin
Sa gitna ng gulo

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag sa (dilim)
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Ikaw ang liwanag sa

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Liwanag sa dilim

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag sa (dilim)
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Liwanag sa dilim

Oh oh oh…
Oh oh oh…
Ikaw ang aawit ng
Liwanag sa dilim
Oh oh oh…
Oh oh oh…
Liwanag sa…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment