Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Khel Pangilinan - Bago Magunaw Lyrics

Kumakabog tibok ng puso
Balisang pag-iisip at di mapakale
Nagsimula na’ng ating dulo
Bagalan na lang natin ang hakbang kase

Alam ko na ang mangyayari
Kada kwento may wakas palagi
Di pa handa sa ikot ng buhawi
Na sisira sa ating binuo

Sulitin natin ang mga bawat saglit
Bago magunaw ang mundo
Ika’y yayakapin sa huling sandali
Ito na ang paalam ko
Bago magunaw ang mundo

Tayo’y lumaban naman sa digmaan
Ngunit tayo’y sadyang mortal lamang
Siguro nga tayo’y walang magagawa sa tadhana
Kung oras na ng bawian walang matatakbuhan

Magbabaha ang kalsada ng luha
Ang kaluluwa’y mapupunta
Sa ilalim ng karagatan kung saan
Di ka makakahinga

Sulitin natin ang mga bawat saglit
Bago magunaw ang mundo
Ika’y yayakapin sa huling sandali
Ito na ang paalam ko
Parang nabasa ko na ito
Nasa huling kabanata ng libro

Totoo ba ito
Mapagbigyan pa sana ako

Na sulitin natin ang mga bawat saglit
Bago magunaw ang mundo
Ika’y yayakapin sa huling sandali
Ito na ang paalam ko
Bago magunaw ang mundo

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment