Lulunurin ko na ang pag-asang
Makikita mo ako sa hamog ng umaga
Ipapaanod ko na ang pag-ibig kong
‘Di manlang makatungtong sa pampang ng ‘yong puso
Kunin mo na ako o agos
Isama mo na ang pag-ibig mong kapos
Guhuin ko na ang kastilyong buhangin
Na wala namang tibay gaya ng ‘yong pagtingin
Sana ‘di na makahinga
Sana ‘di na umahon pa
Lulunurin na lang ang damdaming salat
Nang hindi na maghalo ang luha ko
At ang tubig alat
Ilulubog ko na aking pagmamahal
Kaysa tuluyang masaktan sa hampas ng ‘yong alon
‘Di mo rin makikita ang liwanag ko
Kaya sisisid na lang at magpapakalayo
Kunin mo na ako o agos
Isama mo na ang pag-ibig mong kapos
Guhuin ko na ang kastilyong buhangin
Na wala namang tibay gaya ng ‘yong pagtingin
Sana ‘di na makahinga
Sana ‘di na umahon pa
Lulunurin na lang ang damdaming salat
Nang hindi na maghalo ang luha ko
At ang tubig alat
Kunin mo na ako o agos
Isama mo na ang pag-ibig mong kapos
Guhuin ko na ang kastilyong buhangin
Na wala namang tibay gaya ng ‘yong pagtingin
Sana ‘di na makahinga
Sana ‘di na umahon pa
Lulunurin na lang ang damdaming salat
Nang hindi na maghalo ang luha ko
At ang tubig alat
Sana ‘di na makahinga
Sana ‘di na umahon pa
Lulunurin na lang ang damdaming salat
Nang hindi na maghalo ang luha ko
At ang tubig alat
Home »
Lunod
,
Lunod by Shaira Opsimar
,
Lunod Lyrics
,
Philpop
,
PhilPop 2020
,
Shaira Opsimar
» Shaira Opsimar - Lunod Lyrics
Shaira Opsimar - Lunod Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 9:38:00 AM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment