Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Kevin Yadao, Jr Crown - Bestiny Lyrics

Kevin Yadao, Jr Crown - Bestiny Lyrics

Ang hirap makuha ng tulog sa gabi
Parang pangarap ko na maging kami
Sa bawat sandali ini-isang tabi
Ang akala kong tama sa akin baka maging mali

Natatakot na subukan baka bigla mong sukuan
Dahil alam mong alam ko na iba ang yung napusuan
Nasasaktan ngunit di dapat ipakita
Sana dumating ang araw na

Matutunan mo rin
Matutunan mo rin
Matutunan mo rin na tumingin sa may pagtingin sa’yo
Sa’yo oh oh oh oh
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin na lumalim ang pagtingin sa’yo oh
Sa’yo sa’yo sa’yo oh oh

Ang hirap kasing isipin
Hindi madama ang ibig sabihin
Wag na lang pakiligin
Kung hindi rin iibigin

Sa dinami-dami ng nilalang na kababaihan
Bakit di ko napigilan tuluyang naibigan
Ang matalik na kaibigan laman lagi ng isipan
Hindi pwedeng pagpilitan dahil merong pagitan
Wag masayang ang pinagsamahan ng matagal
Patagal nang patagal ako ay napamahal
Malalim na sa akin ang mababaw mong tingin
Kasalukuyan mang nakapiring nakaabang ng palihim
Sagipin mo sa bangin ang damdamin na nahulog
Sa pusong nagliliyab ikaw lang ang pwedeng tumupok
Dahil kung maninindigan at ipagsiksikan
Ang sarili upang walang bagay na pagsisisihan
Nangangambang baka isauli ang kandila
Ang ulan biglang tumila at hindi ka na makita
Pansamantalang titingala sa mga tala
Hihiling na dumating ang araw na

Matutunan mo rin
Matutunan mo rin
Matutunan mo rin na tumingin sa may pagtingin sa’yo
Sa’yo oh oh oh oh
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin na lumalim ang pagtingin sa’yo oh
Sa’yo sa’yo sa’yo oh oh

Sobrang lapit mo man bakit parang malayo
Lumilinaw na sa’kin malabong maging tayo
Handa na ba kung ito ang nakatadhana
Sana dumating ang araw na

Matutunan mo rin
Matutunan mo rin
Matutunan mo rin na tumingin sa may pagtingin sa’yo
Sa’yo oh oh oh oh
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin na lumalim ang pagtingin sa’yo oh
Sa’yo sa’yo sa’yo oh oh

Matutunan mo rin
Matutunan mo rin
Matutunan mo rin na tumingin sa may pagtingin sa’yo
Sa’yo oh oh oh oh
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin na lumalim ang pagtingin sa’yo oh
Sa’yo sa’yo sa’yo oh oh

Matutunan mo rin
Matutunan mo rin
Matutunan mo rin na tumingin sa may pagtingin sa’yo
Sa’yo oh oh oh oh
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin
Kasalanan ko rin na lumalim ang pagtingin sa’yo oh
Sa’yo sa’yo sa’yo oh oh

Ang hirap kasing isipin
Hindi madama ang ibig sabihin
Wag na lang pakiligin
Kung hindi rin iibigin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment