Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Jr.Crown, PSPK & Chin Arce - Mananatili Lyrics

Jr.Crown, PSPK & Chin Arce - Mananatili Lyrics

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Grabe napakalupet talaga ni kupido
Nahuli mo ang kiliti ng lalaking stupido
Nagseryoso dahil sayo ang puso kong dating bato
Nakita ko sarili ko sa piling mo, nagtatanong “Bakit ako?”
Yan ang palaging katanungan
Kalaunan natutunang mahalin ka ng lubusan
Kahit parang nung una sige laro lang ang lahat
Nagkatuluyan hanggang sa mapamahal na ng sagad
Sapagkat wala nang pwedeng pumalit pa sayo
Pag-ibig na di kayang tumbasan ng kahit ano
Dito sa ating mundo tanging ikaw at ako
Kaya’t wag nang magtampo ikaw lang ang gusto ko
Dahil pag-ibig mo’y walang kapalit
At walang kapantay
Oo mag-aaway lang pero hindi tayo maghihiwalay

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

May kasalanan na naman
Ba ‘kong nagawa para tingnan mo ng ganyan?
Lagi namang inuunawa’t pinagbibigyan
May nasasabi pa rin minsan ang sarap mo nang saktan
Syempre biro lang boss pag-utusan mo pa ko
Pag-ibig ko malaos? Ay lubos na malabo
Di yan magtatapos kahit halos paubos na ang pasensya
Ikaw lang ang iibigin ko pangako!
Pakatandaan mo na sayo lang ako master
Kaugali mo man yung manang dun sa kung-fu hustle
Ikaw ang dahilan kaya nasasabihang under
Pero ayos lang ganito magmahal ang body builder
Pwede bang wag ng patagalin pa
Pag may away na namamagitan sating dalawa
Palawakin pa ang pang-unawa saki’y laging magtiwala
Para sayo ay hahamakin ko kahit tadhana

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Kahit na ano mangyare pakatandaan
Na wala ng hahanapin pa, ikaw lang ang laman
Madalas man na magtalo ay di magiging hadlang
Kahit ano pang maging dahilan wala ng ibang mas lalamang
Sapagkat ako ay kontento na
Natuto na mula nung ikaw na ang aking makilala
Mahalin ka ng walang halong pangangamba
Kaya sinta ko pwede sana wag mag-alala
Dahil ikaw ang naging dahilan kung ba’t nabago
Dahil sayo ako ngayon ay nakasigurado
Muling nabuksan ang puso kong nakakandado
Noon dahil ayokong mapunta sa maling tao
Ikaw ang nagbigay kulay ng buhay sa tunay
Na pagmamahal mo na sa akin inialay
Ipinakita mong panghabangbuhay kaagapay
Ka sa bawat laban kaya pangakong di mawawalay

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment