Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Arvy T - Omsim Lyrics

Arvy T - Omsim Lyrics

1st Verse

Aking tinandaan dapat palaging isang daan
Diko tinantanan natutong sumuntok nung minsang inambahan

Ng nakaharang na pag subok
Pagapang kong inaral ang napulot
Na kaalaman natutunang humugot
Imbis sa kalaban sa aking pupuntahan nalang tumutok

Bumunot ng panulat nag isip
Sinuyod ko ang utak ang sikip
Siksikinan ang salita yung iba'y nagagawa pang malulak sa inip

Yung mga kusang lumalabas nakakagulat, kainis
Ang sarap naman kasing isulat
Pag pikit

Ng aking mata'y sinabi ng aking puso
Dapat ang sarili mo ay imulat mabilis
Man o mabagal kahit na ano wag lang mababago ang asal
Pero kahit ako'y dehado kaylangang manalo sa laban

Kaya inaral kung pano gamitin
Kung pano isulat kung pano sabihin
Kasi ano nga namang silbi ng bigas kung hindi mo alam kung pano saingin

Dito na nahubog sobrang dami kong napulot sa karanasang nag sabing kahit di sigurado sumugod ka

Kahit tahimik ang paligid mainit sa matang mapanghusga
Hanggang sa naisip nila ang ibig sabihin ng lakad ko ay papunta sa pangarap lang


2nd Verse

Aking tinandaan dapat palaging isang daan
Diko tinantanan natutong sumuntok nung minsang inambahan

Pero aking dinagdagan gamit ang puso nilagdaan diko tinantanan
Naisip kong mas malakas nga naman kung higit pa sa isang daan

Kaya

Gamit ang imahenasyon
Pag sumusulat ang mga salita'y nagkakaron ng itsura

Sa lawak ng imahe na yun, kung kukulayan kukulangin lamang ang isang galon ng pintura

Sinabihang patapon nung una
Niyakap ko lang yun Walang duda
Bata palang ay may kakaiba ng awra parang si Gon at killua

Tinaboy ng kahapon pero kalauna'y panahon ang kumuha
Gusto ng talikuran pero kinakalabit ako ng aking hinaharap dapat daw akong mag punta dun ma upo ka

Tuloy ang pag susulat ako'y nakapikit habang nag pupuyat nag iisip
Gumagawa ng malaking tahanan saking utak at nagbubuhat ng salitang mabibigat nag susukat

Hindi sanay kapag hindi pantay
Gusto ko may laman kaya buong pusong binibigay
Kaalama'y nakakabusog pag hinihimay
Tunog ko ay may aral hindi lang basta nag iingay

Higit pa sa isang daang pursyento
para mas malakas Parang suntok na may bwelo
Direktahan walang pero pero
Bweno itong berso merong tempong mejo mabilis tipong sasabog talaga pag nakagat ko na ang preno

MISMO!

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment