Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Noel Cabangon ft. Aikee Wika - Pag-ibig Lyrics

Noel Cabangon ft. Aikee Wika - Pag-ibig Lyrics

Ano itong ating kinasasadlakan
Pangyayaring di natin inaasahan
Buong mundo ay nagulat
At kailangan magkulong at mag-ingat

Kay rami ng namamatay nang walang kamalay-malay
Di agad pinansin sumpang tumama sa atin
Paano mapipigilan
Pang-unawa’y higit na kailangan

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Dakilain ang mga nagliligtas sa buhay natin
Ang kanilang kaligtasa’y ating ipanalangin
Sana ang lunas ay agad dumating
Nang mundo’y bumangon at panibagong bukas harapin
Ohhh… ohhh…

Buong giting at tapang wag kang mag-alinlangan
Papatak din ang ulan sa mundong maalinsangan
Batid kong hindi madali madalas kasing nagagapi
Naaapi, subalit sa huli tayo’y magwawagi
Sabay-sabay na harapin, tanggapin
Mahalin ang bawat isa ang galit tanggalin
Pawiin ang takot na nabalot ng salot
San man umabot tandaang pag-ibig lamang ang sagot

Sana’y pumukaw sa ating isipan
Ang dulot na liwanag ng kalangitan
Nawa’y gumising sa ‘ting diwa’t damdamin
Ang mundong hinabilin ay dapat nating kalingain

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari
Pawiin ang takot, pag-asa’y mamayani
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Magtiwala sa katotohanan

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili

Pag-ibig lamang ang sagot

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment