Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Yumi Lacsamana - Matututunan Din Nila 'Kong Mahalin Lyrics

‘Di ba ‘ko kagusto gusto
Parang lahat lumalayong husto
Lagi na lang akong nadarapa
Kay rami nang biglang nawawala

Ngayo’y nagiisa
Ngunit umaasang may darating pa

Kapag naubos na ang sinag ng araw
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapag ang dagat ay dagli nang bumabaw
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapit ng maigting may darating din
Matututunan din nila ‘kong mahalin

Nais ko rin maramdaman
Pakiramdam ng mayroong nandiyaan
Laging handang yumakap, humalik
Sa pagdating ko ay sabik

Ngayo’y nag-iisa
Ngunit umaasang may darating pa

Kapag buhangin ay hindi na inanod
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapag ang bukas at kahapo’y nag-abot
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapit ng maigting may darating din
Matututunan din nila ‘kong mahalin

Ngayo’y nag-iisa
Ngunit umaasang may darating pa

Kapag maaari nang tumapak sa ulap
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapag pupuwede nang bundok ay matulak
Matututunan din nila ‘kong mahalin
Kapit ng maigting may darating din
Matututunan din nila ‘kong…

Kahit lahat ng komplikado ay simple
Matututunan pa kaya ‘kong mahalin
Kahit mangyaring lahat ng imposible
Matututunan pa kaya ‘kong mahalin
Kapit mang maigting meron bang darating
Matututunan pa kaya ‘kong mahalin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment