Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Unique Salonga - Lamang Lupa Lyrics

Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Katotohanan ay ayoko munang harapin!
Gusto ko lang namang makalimutan ang
Dala-dalang problema kahit pansamantala!

Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Lumalabo't umiikot ang aking paningin!
Akala ko'y patungo na 'ko sa taas.
Ayoko sa ilalim oh, kay hirap pumiglas!

Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Ang kadilima'y mahigpit ang yakap sa akin.
Limot na alaala ay bumabalik
At kalungkutang walang tigil sa pananakit!

Oh, lamang lupa, sa'n mo ba 'ko dadal'hin?
Pakiramdam ay parang nasa dulo ng bangin!
Ang kamatayan ba'y nasa 'king likuran?
Oras na ba? Heto na ba'ng aking katapusan?

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment