Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Marga Jayy - Mananatili Lyrics

‘Di mo lang alam ako’y ‘di pa nakalalaya
Mula sa akala kong habambuhay ngayon ay alaala
Marahil ay ‘di mo napapansin
Dahil ayaw kong malaman mo
Nang matulungan din kita sa paglaya ng iyong puso

Salamat sa maikling walang hanggang ipinaranas mo
Naging gusot man ang ikinasiya ng ating mga puso
Ang mahalaga ang mga bagay na
Walang ibang makapagsasabi kundi tayo

Ikaw ay mananatili
Alaala ay mananatili

Walang ibang makapagsasabi kung hanggang kailan
Maaaring ikaw ay mauna sa kaligayahan
Magmahal man ng iba kapangyarihan mo lamang ang nagbukas
Sa puso kong walang kamalay-malay

Salamat sa maikling walang hanggang ipinaranas mo
Naging gusot man ang ikinasiya ng ating mga puso
Ang mahalaga ang mga bagay na
Walang ibang makapagsasabi kundi tayo

Ikaw ay mananatili
Alaala ay mananatili
Mananatili
Alaala ay mananatili

Ang dating bukambibig ay ayaw nang bigkasin
Ng mga labing dating sabi’y magmamahal hanggang libing
Hindi akalaing magtatapos ang lubus-lubos
Na matatamis na salitang unti-unting naubos
Milya-milya ang kanyang tinawid sa himpapawid
‘Yun pala ay mapapatid “Manatili,” aking batid
Maaaring walang-wala na
Ngunit iyong pag-ibig ay hindi malilimot, sinta
Hindi mo alam ikaw pa rin ang nasa isip
Magdamang sa panaginip mukha mo ang nasisilip
Ngunit giliw ako ay patawarin
Hindi na maaaring bumalik sa mga bagay na walang bisa ang panalangin

‘Di mo lang alam ako’y ‘di pa nakalalaya
Mula sa akala kong habambuhay ngayon ay alaala

Alaala…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment