Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , , , » Emcee Rhenn ft. Bosx1ne - Sagl1t Lyrics

Emcee Rhenn ft. Bosx1ne - Sagl1t Lyrics

Ang bilis ng isang saglit ohh
Ang bilis ng isang saglit
Ang bilis ng isang saglit ohh

Naaalala ko pa non laging sakin nakayakap
Ilang minuto lang na mawala ay hinahanap
Ngayon ilang buwan na ding hindi ka tumatawag
At wala ng text at naging ex ako di mapatawad
Wala na kong kasamang magsindi sa balcony
Tapos makikinig ng Bone Thugs N Harmony
Nasan na yung bad chick na nasunod sa gusto ko
Laging may halik sa cheek na nabuo sa mundo ko
Yung babaing di hinanap pero dumating
Yung babae na sumama nung wala pang mga bling
Yung babae na nakatiis sa tulad kong praning
Yung katulad mong pinagpalit ko sa isang gabing
Puro tama, daming tama, lakas tama na ako
Nagising na lang sa kwartong may kasama na ako
Iniisip ko na sana ikaw ang katabi ko
Pero kahit anung sabihin ay nagkamali ako

Isang saglit lang nangyari ang lahat ng to
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo
Nagsisisi’t nananabik sa yakap mo’t mga halik
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik

Di ko sinasadya na ang puso mo’y madurog
Dapat nung gabi na yon maaga nang natulog
Edi sana hindi na ko nakagimik pa sa timog
Edi sana walang sana ang lahat na lang malimot
Ako’y parang napraning nakalimot sandali
Nalimutan kong mayron akong ikaw nang kay dali
Mabilis tumakbo ang oras natapos ang gabi
Kasabay ng pagliwanag nakaraos din kami
At natapos na kami pero natapos din yung tayo
Alam ko yung mali kaya ko nga ginagawa to
Umaasang kahit pano ay maririnig mo
Gusto ko lang sanang sabihin ika’y namimiss ko

Isang saglit lang nangyari ang lahat ng to
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo
Nagsisisi’t nananabik sa yakap mo’t mga halik
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik

Dahil sa isang saglit tayo ay nasira
Nakalimutan ang lahat ng di nakita
Sa isang saglit lahat ay nawala na
Pinagpalit ang matagal na pagsasama
Sa isang saglit ito ang kapalit
Ikaw ang nawala sana ikaw ay magbalik
Pagkatapos ng saglit na ako’y nakasakit
Saka ko lang naisip ang hindi ko nabatid
Kaya nung magising ako ako’y tumawag
Sinasabi ang lahat sana ay mapatawad
Mapatawad naman salamat pero hindi maawat
Ika’y lumakad at tumalikod ng walang paalam

Isang saglit lang nangyari ang lahat ng to
Sa isang saglit nanghihinayang sa pag-ibig mo
Nagsisisi’t nananabik sa yakap mo’t mga halik
Sa isang saglit na kahit sandali ay maibalik

Ang bilis ng isang saglit, ang bilis ng isang saglit
Ang bilis ng isang saglit, ang bilis ng isang saglit
Ang bilis ng isang saglit, ang bilis ng isang saglit
Ang bilis ng isang saglit, ang bilis ng isang saglit

Sana bumalik, sana bumalik
Sana bumalik
Sana bumalik, sana bumalik
Sana muling bumalik…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment