Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Armi Millare - Kapit Lyrics

Sa gabing kay dilim
Hinahanap ko ang kahulugan ng mga panahong lumipas lang
Nang walang pasintabi, ako ay iniwan

Mga matang noon ay may kislap pa
Ngayon ay mugtung mugto, sanay sa luha
Sadyang gan'to nga ba ang buhay dito sa lupa

Kaya hihigpitan ko ang kapit sa mga
kamay ng oras nang 'di 'to lumipas
Sana ay aking sinulit ang panahon na tayo'y mga bata pa

Ilang araw na rin na tuluy tuloy lang ang ulan
Hindi mawari kung ito ba ay malalagpasan
Pilit sa putik aking pupulutin nang isa isa
Mga pangarap kong nabasag tila bubog sa paa
Ang bahaghari ba'y nagpapakita lang at...

Kaya hihigpitan ko ang yakap sa'yo
Alam ko na hindi 'to magtatagal
Sana ako'y maalala mo na ganito

Hihigpitan ko ang kapit sa mga kamay ng oras
Nang 'di na maiwan pa
Nais ko lang ang masilip ang nakaraan

O hihigpitan ko ang kapit sa Diyos
Maliwanag na rin, ito na't parating
Matatapos ang lahat ng pagsubok na 'to

Uhhhh
Uhhhh
Uhhhh

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment