Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Mark Jay Felipe - Ikaw ang Aking Pag-Ibig (Interpreted by RJ dela Fuente) Lyrics

Mark Jay Felipe - Ikaw ang Aking Pag-Ibig (Interpreted by RJ dela Fuente) Lyrics

Dingin ang awitin
Pag-asa’y mga bituin
Ihip ng hangin
Saan ba dadalhin
Pangakong ingatan
Patuloy kang hahagkan
Ikaw ang dalangin
Sa langit sambitin

Pag-ibig kong alay sayo’y
Hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko’y
Ikaw aking giliw
Kahit bukas ma’y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin
Ikaw lang ang aking pag-ibig

Pag-aalinlanga’y
‘Di na kailangan pa
‘Pagkat yaring puso’y
Tapat sa’yo sinta

Pag-ibig kong alay sayo’y
Hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko’y
Ikaw aking giliw
Kahit bukas ma’y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin
Ikaw lang ang aking pag-ibig

Batid ko nga’t nalalaman
Lubos ko namang naintindihan
Na ang puso mo’y may ibang nilalaman
At kahit na ganon pa man
Patuloy kang iibigin
Hayaan mong ibigin kang muli oh

Pag-ibig kong alay sayo’y
Hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko’y
Ikaw aking giliw
Kahit bukas ma’y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin
Lahat kakayanin
Ikaw lang ang aking pag-ibig

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment