Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Handshake - Tulog Lyrics

Handshake - Tulog Lyrics

Makatulog na nga, inaantok na ako
Wala man lang magawa, walang makausap dito
Sana’y nandito ka at magkasama tayo
Ngunit anong magagawa, ikaw ay lumayo

Idadaan na lang sa tulog ang lungkot na nadarama ko
At sana sa’king pag-idlip, mawaglit ang sakit na dulot mo

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Makatulog na nga, ano pang hinihintay ko
Di ka naman darating upang suyuin ako
Ikaw ay umalis at nagpakalayo-layo
Di ka nagpaalam, bigla na lang naglaho

Idadaan na lang sa tulog ang lungkot na nadarama ko
At sana sa’king pag-idlip, mawaglit ang sakit na dulot mo

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Sana sa aking pag-idlip, makita ka sa panaginip
Tumatakbo pabalik sa piling kong nananabik
At ako’y nasasabik na matikman muli
Ang iyong halik

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Makatulog na nga...

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment