Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

KZ Tandingan - Sayang Lyrics

Dati-rati nung tayo pa
Palaging masaya kahit may mga problema
Dati-rati ang suyuan
‘Di pwedeng harangan dahil tunay ang pagmamahalan

Ngunit anong nangyari
Oh ang sakit naman at sadyang nakakapanghinayang

Sayang ang pag-ibig ko sa’yo
Sayang ako ay pinaasa mo
Sayang 'bat nagawa mo sa’kin ‘to
O giliw ko dinurog mong husto ang puso ko

Nung ikaw ay makilala ‘kala ko ikaw na
Ang makakasama ko maging sa aking pagtanda
Kasi sa piling mo ligaya ay walang humapay
Kaya hindi ko maisip tayo’y maghihiwalay
At ‘di ko sukat akalain na ako ay lolokohin
Pagkatapos ibigay sayo lahat aking damdamin
Ginamit, kinawawa, ginawa mo pang tanga
Pinaglaruan mo na pinaasa-asa pa
Nilimot mo lahat pati na ating pangarap
Sa isang iglap biglang nagbago ka agad
Puso ko'y umiiyak dahil sa panghihinayang
Ang magandang samahan kasi tuluyan nang nasayang

Sayang ang pag-ibig ko sa’yo
Sayang ako ay pinaasa mo
Sayang 'bat nagawa mo sa’kin ‘to
O giliw ko dinurog mong husto ang puso ko

Naalala ko pa dati, nung tayo pang dalawa
Mga suyuan at lambingan ay puno ng sigla
Ang mga araw at gabi na ating pinagsaluhan
Ang bawat sandali ng ating pamamahalan
At ang sinabi mo na ako lang lahat
Ang nag-iisa sa puso mo di na maghahanap ng iba
Kahit ano pang mangyari
Ang sabi mo sa puso mo I'm am the one and only
Ngunit bakit nagbago, pag-ibig mo'y naglaho
Puso ko'y dinurog mo na parang isang bato
Inabuso ng todo at ‘di pa nakuntento
Binigay ko ang lahat naghirap ako at naperwisyo
Ano ba ang nagawa ‘di naman ako nangaliwa
Naging tapat naman ako ba’t ako ay winalang hiya
Ohh bakit ganito
Pag-ibig mo sakin ay biglang nagbago

Ngunit anong nangyari
Oh ang sakit naman at sadayang nakakapanghinayang

Sayang ang pag-ibig ko sa’yo
Sayang ako ay pinaasa mo
Sayang 'bat nagawa mo sa’kin ‘to
O giliw ko dinurog mong husto ang puso ko

oh oh ohh
(sayang ang pag-ibig ko sayo)
(sayang ako ay pinaasa mo)

Dati-rati nung tayo pa
‘Di pwedeng hadlangan tunay na pagmamahalan
Ganyan tayong dalawa hanggang kadulu-duluhan

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment